Sunday , December 22 2024

Purisima sinisi ni Miriam (Kung ‘di ka nakisali, buhay pa sila)

FRONT“KUNG hindi ka siguro nakisali doon, baka buhay pa sila.”

Tahasan itong sinabi ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa nagbitiw na hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Alan Purisima sa ikatlong araw ng pagdinig sa Senado sa Mamasapano incident.

Kaugnay ito ng pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa operasyon sa Mamasapano na inap-rubahan ni Purisima.

Partikular na binatikos ng senador ang aniya’y pakikialam ni Purisima sa operasyon kahit pinatawan na ng Ombudsman ng anim-buwan suspensyon dahil sa pinasok na maanomalyang kontrata.

Una nang ikinuwento ng sinibak na hepe ng PNP-SAF na si Getulio Napeñas na Enero 9, dalawang linggo bago ang madugong insidente, magkasama sila ni Purisima na nakipagpulong kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para sa mission update. 

Pagkaraan, sinabihan si Napeñas ni Purisima na huwag munang sabihan sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at PNP OIC chief Leonardo Espina.

Banat ni Santiago kay Purisima, “You are under preventive suspension and yet you are still dipping your finger in the pie. You are participating in none of your business.”

Muling katwiran ni Purisima, advice o payo lang ang sinabi niya. Ngunit hindi ito kinagat ng senador.

“Bakit ka salita nang salita? Bakit hindi ka nanahimik sa estate mo sa Nueva Ecija? Biro mo 44 tao ang namatay!”

“Sentido kumon na lang ho ito e, hindi naman siya (Napeñas) ang pinakamataas e. Sino ang mas mataas sa kanya? Ang chief PNP, ikaw, pero preventively suspended ka tapos ‘yung kapalit mo na the acting chief, ayaw ninyong sabihan.”

All-out war giit ng utol ng SAF trooper sa viral video

ALL out war, ito ang giit ng kapatid ng SAF trooper sa viral video na brutal na pinatay sa Mamasapano operation.

Sobrang galit ang naramdaman ni Julius Sagonoy, kapatid ni PO1 Joseph Sagonoy, 26, ang pulis sa viral video na nangingisay ngunit pinagbabaril pa rin ng mga armado.

“Kompirmado ko po talaga na siya po ‘yung nasa video, ‘yung tama po sa panga niya, saka ‘yung mukha talaga niya, siya talaga ‘yun, ‘di po ako pwedeng magkamali kasi kapatid ko po ‘yun,” ani Julius. Bukod pa aniya sa gupit ng buhok, hugis ng katawan at galaw ng kamay ng pulis sa viral video.

Masama aniya ang loob ng kanilang pamilya lalo’t nagluluksa pa sila sa pagkamatay ni Joseph nang kumalat ang video sa pagpatay sa SAF trooper.

“‘Yung mga MILF o kaya BIFF man ‘yun, sobra po, tinorture po ‘yung kapatid ko, ginawa pong aso, ginawang hayop ‘yung pagpatay sa kanya.” 

“Halos araw-araw po ‘yung nanay namin umiiyak, ‘di po niya matanggap talaga na wala na ang kapatid namin. Sobra pong galit ang kinikimkim niya ngayon.”

“Bakit niyo pa in-upload ‘yung kahayupan na ginawa niyo? Sana pagdusahan niyo ‘yan habambuhay,” pagbulalas ni Julius ng galit sa kumuha at nagpakalat ng video.

Hiling ni Julius sa pamahalaan at kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, “Bilis-bilisan lang po ‘yung kaso sa 44 SAF para mabigyan ng hustisya.” 

Si PO1 Joseph Sagonoy ang pinakabata at itinuturing na pinakamatalino sa grupo ng SAF sa sumabak sa madugong operasyon.

Armas ng SAF ‘di ibabalik ng BIFF

NANINDIGAN ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na hindi nila ibabalik ang mga armas ng mga miyembro ng Special Action Forces (SAF) na nakasagupa nila sa Mamasapano, Maguindanao.

Inihayag ni Abu Missry Mama, tagapagsalita ng BIFF, hawak pa nila ang sampung baril mula sa SAF commandos.

Ayon sa grupo, hindi pa nila napapanood ang kontrobersyal na video na makikita ang pagbaril sa ulo ng isang SAF member habang nakahandusay sa taniman.

Gayonman, sigurado nilang hindi nila miyembro ang pumatay sa commando dahil hindi aniya sila lumalaban sa taong sumuko na.

Link kina Marwan, Usman itinanggi ni Iqbal

ITINANGGI ni MILF peace panel chairman Mohagher Iqbal na mayroon silang direktang ugnayan sa Malaysian bomb expert na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Usman Basit.

Sinabi ni Iqbal, wala silang ideya na nagtatago malapit sa kanilang areas of responsibility ang dalawang terorista.

Giit ni Iqbal, nagtatago sina Marwan at Usman sa labas ng area ng MILF.

Dagdag ni Iqbal, kaisa ng pamahalaan ang MILF para labanan ang terorismo.

Nilinaw rin niyang walang intensiyon ang MILF na makalaban ang mga police commando.

Ayon kay Iqbal ang nangyari ay misencounter sa pagitan ng PNP-SAF at MILF dahil sa kakulangan ng koordinasyon.

Kinompirma rin ni Iqbal na MILF forces ang nakasagupa ng mga SAF commando sa Brgy. Tukanalipao.

Sinabi ni Iqbal, dahil sa gamit na high powered firearms kung kaya’t fatal talaga ang tama ng mga pulis.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *