Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty ni Liza, hinahangaan ng mga kapwa-artista

021215 bianca pauleen liza anne georgina solenn

00 SHOWBIZ ms mTUNAY na maganda at kaakit-akit ang 17 taong gulang na si Liza Soberano. Kaya hindi nakapagtataka kung hanggaan at purihin ng mga kapwa niya artista ang kanyang kariktan.

Hindi napigil nina Georgina Wilson, Bianca Gonzalez, at Meg Imperial na magpahayag ng kanilang admiration ukol sa kagandahan ni Liza.

Kahit ang photographer na si Mark Nicdao ay inilarawan si Liza bilang “The New Paraluman” sa Instagram post nito na nagpapakita ng kuha niya para sa cover ng Benchmark’s art-themed six issue na nagtatampok din sa illustration ni Dex Fernandez. Kahanga-hanga ang mga kuhang iyon ni Mark na si MJ Benitez ang nag-style samantalang sina Jay Wee at Mickey See naman ang nag-ayos ng buhok at nag-make-up sa young actress.

Kahit ang aktres na si Anne Curtis ay ‘di rin napigil ang paghanga kay Liza, sa pagsasabing “Super duper ganda!” at “So beautiful,” naman ang nasabi ni Dubai based fashion designer Michael Cinco.

Nagpahayag din ng paghanga si Pauleen Luna, nang i-post nito ang kanyang picture na ginaya ang buhok ni Agnes karakter ni Liza sa Forevermore at may caption na, “I love you, Liza Soberano!” Gayundin si Solenn Heussaff sa pagsasabing “hot” kay Liza sa Twitter.

ni Maricris Vadez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …