Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsasakripisyo ng 44 SAF troopers, makabuluhan — Roxas

091114 mar roxas“NAGAMPANAN nila ang kanilang papel, dapat nating gampanan ngayon ang ating bahagi.”

Ito ang idiniin ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa komite ng Senado na nag-iimbestiga sa Mamasapano incident sa Maguindanao noong Enero 25.

Sa kanyang pahayag, kinikilala ni Roxas ang makabuluhang kabayanihan ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na ginampanan ang kanilang mga tungkulin kahit isakripisyo pa ang mga buhay para sa bansa.

“Tungkulin natin na masiguro na ano man ang mga peligrosong misyon, ang mga ito ay may kabuluhan, na ang mga dapat gumawa nito ay may sapat na pagsasanay, kagamitan, at magawa natin ang lahat upang mapalaki ang tsansa na magtatagumpay sila,” sabi ni Roxas.

Nilinaw din niya na ipinadala ang mga operatiba ng SAF sa lubhang mapanganib na misyon nang hindi niya alam kaya inatasan niya ang binuong Board of Inquiry upang malaman kung pinagkalooban sila ng sapat na pangangailangan para tiyak na magtatagumpay.

Siniguro rin ni Roxas sa Senado na magpapatuloy ang imbestigasyon ng Board of Inquiry sa wasto at mabilis na paraan para mabatid ang tunay na pangyayari sa Mamasapano.

Ibabase ng fact-finding board sa pamumuno ni  P/Director Benjamin Magalong sa 374 panayam, 318 sinumpaang salaysay, mensahe at iba pang porma ng pagpapalitan ng mga nota at detalye na ibinigay sa PNP ang resulta ng pagsisiyasat. Mula nang itatag nitong Enero 26, gumugol ng 5,160 oras na pagtatrabaho para makolekta ang kailangang datos.

Nakatuon ang paunang ulat ng BOI sa rekonstruksiyon ng plano para madakip si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, at ang kasamahang si  Basit Usman. Kapwa sila kilabot na terorista na pinaghahanap ng maraming bansa at may kaukulang pabuya sa kanilang pagkadakip. 

Nagpasabog si Marwan ng limang bomba at kung ilang beses nakipagsagupa sa mga awtoridad na ikinamatay ng 46 katao at ikinasugat ng 207 iba pa sa Filipinas pa lamang. Suspek naman si Usman sa limang pambobomba na kumitil sa buhay ng 17 katao at pagkasugat ng 62 iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …