Sunday , December 22 2024

All-out war ni Erap ‘di kinagat (Palasyo natuwa)

021614 ERAP BINAYIKINATUWA ng Palasyo na hindi kinagat ng publiko ang panawagan ni ousted president, convicted plunderer at Manila mayor Joseph “Erap” Estrada na magdeklara ng all-out war laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kasunod ng pagkamatay ng Fallen 44 sa sagupaan sa Mamasapano.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ikinagalak ng administrasyong Aquino na kahit mataas ang emosyon ng mga Filipino bunsod ng Fallen 44 at walang umapela na magdeklara ng all-out war laban sa MILF dahil hindi kakayanin nang lahat ang magiging danyos nito.

“And I certainly appreciate the fact that Filipinos are… While they are very emotional right now, at this given state, they have not resorted to calling for an all-out war because the cost is just too much for us to bear,” tugon ni Lacierda hinggil sa all-out war call ni Erap laban sa MILF.

Giit ni Lacierda, kinikilala ng pamahalaan ang galit ng taong bayan sa pagkamatay ng 44 kasapi ng Special Action Force (SAF) nang makipagbakbakan sa MILF at Bangsamoro Islamic Freedom FighteR (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, ngunit dapat ilagay ito sa tamang perspektiba.

“We do recognize the heightened emotional aspect, the heightened emotional state, but we need to bring everything into its proper perspective,” ani Lacierda.

Matatandaan, isang araw makaraan ang madugong Mamasapano incident ay inihayag ni Erap na tanging ang all-out war lang laban sa MILF ang makalulutas ng secessionist problem sa Mindanao.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *