Tuesday , December 24 2024

Ai Ai, ‘di raw masama ang loob sa pag-back-out ni Richard sa concert niya

ni Roldan Castro

020815 Richard Yap aiai delas alas

HINDI sumama ang loob ni Ai Ai delas Alas kay Richard Yap kung nag-backed out ang huli sa kanyang concert.

“Ay, hindi sumama ang loob ko sa kanya kasi technically tama naman sila, eh! Tama sila,” deklara niya.

Nahihiya raw ang kampo ni Sir Chief kay Miss Ai Ai pero hindi agad nagawa ng paraan ang mga pangyayari.

“Oo, kasi close noon, eh. Pero tama naman sila technically. Naiintindihan ko sila roon, sa part na ‘yun,” aniya pa.

Mas fresh at bata ang ipinalit ni Ai Ai kay Richard sa kanyang Pre-Valentine Romance and Comedy Concert sa February 12.

Naging co-producer na si Ai Ai sa kanyang concert at siya ang namili kina Aljur Abrenica at JC De Vera. May surprise ‘papa’ raw na darating pa.

Balak din niya na ‘yung 15 percent ng kikitain niya bilang co-producer ay ibibigay sa 11 sundalong natira at nasugatan. Diretso raw niyang ibibigay.

“Minsan kasi hindi mo maiisip kasi roon sa 44 ang atensiyon natin, nakakaawa eh, namatay, eh! At saka sa Filipino values ‘pag namatayan ka, wala ka ng argument. Tayong mga Filipino ‘pag namatay, nandoon ‘yung respeto natin sa patay,” bulalas niya.

Marami na raw kasing tumulong sa naulila ng SAF 44. Gusto rin niya na manood sana ‘yung mga pamilyang naiwanan ng Warriors 44 para maibsan ang kanilang pagdadalamhati pero nasa probinsiya na raw ‘yung iba.

Actually, hindi kay Richard naiyak si Ai Ai habang nagtsitsikahan kundi sa nangyari sa Warriors 44.

Kinunan din ng reaksiyon si Ai Ai sa mga artista na naglabas ng opinion noong ‘di dumalo si PNoy sa pag-welcome sa Villamor Airbase. Lalo na sa post ni Judy Ann Santos na ikinompara niya si PNoy kay U.S. President Barrack Obama. Ito ang dahilan na i-unfollow ni Kris Aquino ang young Superstar.

”Naiintindihan ko naman sila. Naiintindihan ko ‘yung kapwa-artista na nagbibigay ng opinyon nila. Sabi nga natin, freedom of the press and freedom of speech. ‘Yung kay Juday, nakita ko naman ‘yung IG niya, eh.

“Demokrasya ‘to, so lahat tayo entitled sa mga opinion natin.

“Wala naman siyang sinabing masama roon, eh. Pinag-compare niya lang. Sabi nga niya, ‘Just saying.’ Sinasabi lang niya ‘yung opinyon niya. Wala naman siyang masamang simabi.”

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *