Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Budget ng ASAP, umaabot sa P5-M linggo-linggo

021115 ASAP 20

00 fact sheet reggeeAabot sa 60 ang artista ng ASAP at bongga pa lahat ng segments at inamin ni Ms Apples kasama na rin si Ms Linggit Tan na naging bahagi rin ng longest running variety show ng ABS-CBN na inaabot sa limang milyon (P5-M) ang budget ng programa linggo-linggo.

“Pero isa po ang ‘ASAP’ sa money-maker ng ABS-CBN,” sabi ni Apples sa amin.

Ano naman ang ginagawa nila kapag may mga artistang pasaway sa show?

“Honestly, wala namang major problem, minimal lang at hindi naman naiiwasan. Ang maganda sa artists namin, nakikinig at sumusunod at alam nila ang mali nila.

“Kasi alam naman nilang teamwork ito so, walang pasaway na matindi. At wala rin kaming parusang ibinibigay or whatever ‘pag may mali,” pagtatanggol ni Ms Apples.

Sa tatlong oras na umeere ang ASAP linggo-linggo ay aminadong alternate ang 60 artists nila para mabigyan ng sapat na exposure.

At ang 15 segments ay alternate sa isang buwan itong ginagawa para raw mapagkasya nila lahat sa tatlong oras.

Sa darating na Pebrero 22 ay makisaya sa longest running at Asia’s Outstanding Variety Show sa Asian rainbow TV Awards, ASAP 20 sa kanilang selebrasyon sa Mall of Asia Arena sa ganap na 12:15 ng tanghali.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …