Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bunso tinaga ni kuya

121014 itakINOOBSERBAHAN sa pagamutan ang isang 47-anyos lalaki makaraan tagain ng kanyang nakatatandang kapatid dahil sa matagal nang alitan kaugnay sa renta ng inuupahan nilang boarding house, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang biktimang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital na si Michael Decena, ng 1738 Tramo St., Zone 6, Brgy. 43, Pasay City.

Habang sugatan din ang suspek na si Julius Cesar Decena, 49, driver, residente rin ng nasabing lugar, na binugbog ng taumbayan nang magtangkang tumakas makaraan ang pananaga.

Sa imbestigasyon nina PO3 Reynaldo Wangi at PO2 Robinson Alsol, naganap ang insidente dakong 8 p.m. sa 1738 Tramo St., Zone 6, Brgy. 43 ng lungsod.

Sinasabing nagtalo ang magkapatid kaugnay sa dati nilang alitan sa pagbabayad  ng renta ng kanilang unuupahang boarding house.

Humantong ito sa suntukan hanggang sa kumuha ng jungle bolo ang suspek at tinaga sa ulo ang biktima.

Pagkaraan ay nagtangkang tumakas ang suspek ngunit hinabol siya ng taumbayan at pinagtulungan siyang bugbugin saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …