Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napeñas isasakripisyo ng Palasyo

FRONTTIKOM ang bibig ng Palasyo sa akusasyon ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BA-YAN) na isasakripisyo ng gobyerno si Chief Supt. Getulio Napeñas para hindi mapanagot si Pangulong Benigno Aquino III sa Fallen 44.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang layunin ng Senate probe sa Mamasapano incident ay upang malaman ang buong katotohanan kaya’t dapat na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon.

“Ang layunin ng kasalukuyang pagsisiyasat ay malaman ang kompletong salaysay at buong katotohanan hinggil sa naganap sa Mamasapano, Maguindanao. Mainam na hintayin natin ang ang ilalabas na ulat hinggil sa resulta ng pagsisiyasat,” ani Coloma.

Ayon kay Renato Reyes, Bayan secretary-general, ang mga pahayag ni Napeñas sa Senado ay nagpapatunay na nagsinungaling si Pangulong Aquino sa lawak ng partisipasyon nila ni resigned PNP chief Alan Purisina sa Mamasapano operation.

Pnoy walang nilabag nang konsultahin si Purisima

WALANG nilabag na batas si Pangulong Benigno Aquino III nang konsultahin si resigned PNP chief Alan Purisima lalo na’t makadaragdag  ito  ng  kompiyansa niya sa pagpapasya.

“No law prohibits the President from exercising his discretion to get the views of a suspended official on a particular matter if this would raise the confidence level of the President’s executive decision-making, so long as the act does not involve the performance of official functions pertaining to the post from which the official concerned was suspended from,” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Ang pahayag ni La-cierda ay bilang tugon sa mga kritisismo kaugnay sa pag-amin ng Pangulo na si Purisima ay nagpayo sa kanya kaugnay sa operasyon.

Rose Novenario

Paghingi ng tulong sa us force inamin ni Napeñas

INAMIN ng sinibak na PNP-SAF director na si Getulio Napeñas Jr., humingi siya ng tulong sa tropa ng Estados Unidos kasunod ng nangyaring sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).

Ngunit nilinaw ni Napeñas, humingi siya ng tulong sa US forces na naka-standby sa Zamboanga nang malaman na marami na ang casualties sa kanyang mga tauhan at ito ay para sa medical evacuation.

“When we received info that we have casualties, that’s when I requested US forces if they could provide medical evacuation,” ani Napeñas.

Kasabay nito, nilinaw rin ni Napeñas na walang kinalaman ang FBI o ano mang pwersa ng US sa operasyon laban kay Zulkifli Bin hir alyas Marwan.

Una na ring sinabi ni Napeñas na makaraan mapatay ng SAF si Marwan, pinutulan ito ng daliri at ang kaputol ng daliri ay dinala ng mga tauhan ng SAF sa General Santos City upang ibigay sa dalawang miyembro ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) na naghihintay sa GenSan.

Cynthia Martin/Niño Aclan

Pagkanlong kina Marwan Usman itinanggi  ng MILF

ITINANGGI ng kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kinakanlong nila ang international terrorists na sina Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni MILF-CCCH chairman Rasid Ladiasan, hindi nila alam na nasa Mamasapano, Maguindanao si Marwan at Usman.

Tanging impormasyon lamang nila ay hindi namamalagi sa isang lugar ang mga suspek.

Ngunit iginiit ni PNP OIC Chief Leonardo Espina na kinukupkop ng MILF at BIFF sina Usman at Marwan.

Ito rin ang impormasyon na natanggap ni AFP chief of Staff Gen. Pio Catapang.

Armas ng Fallen 44 ibabalik ng MILF

TINIYAK ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ibabalik nila ang kagamitan ng mga naka-enkwentrong miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Tiniyak ito ni MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal sa isang liham kay Senador Grace Poe makaraan makausap ang MILF Central Committee.

Sa ikalawang pagdinig ng Senado, Martes ng umaga, hindi pa rin sumipot si Iqbal ngunit nagpadala ng liham na binasa ni MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) Chairperson Rasid Ladiasan.

Bahagi ng sulat ang pangakong ibabalik na ang mga armas ng mga napatay na SAF.

“The MILF has decided to return the firearms and any retrievable personal effects in of the fallen SAF-PNP in deference to the peace process and the recognition of the MILF that it never wanted that unfortunate incident.”

“Perhaps in a couple of days, the MILF will be able to finish the internal process of accounting of the materials to pave the way for their return.”

Inusisa ni Drilon ang balitang ibinibenta na sa Mindanao ang mga armas, na sinagot ni Ladiasan ng “ we also heard of that but we can’t confirm” ngunit iniimbestigahan na rin nila.

Muling tiniyak ni Ladiasan ang pagbabalik ng kagamitan bagama’t wala pa aniya silang bilang nito.

Binanggit ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na may inventory sila ng mga armas at equipment ng PNP-SAF maliban sa personal na gamit ng mga pulis.

Niño Aclan/Cynthia Martin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …