Sunday , December 22 2024

Kabataan inaanyayahan sa araw ng Balagtas 2015

araw ng balagtasTINATAWAGAN ang mga kabataan na aktibong makilahok sa Araw ni Balagtas 2015. Ito ay pagdiriwang ng ika-227 anibersaryo ng kaarawan ng bayaning makata na si Francisco “Balagtas” Baltazar sa Abril 2, 2015 na may temang “Si Balagtas at ang Kabataan.”

Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga aktibidad na mangyayari sa pook na malapít sa puso ni Balagtas, ang bayan ng Orion (noon ay Udyong), Bataan. Magkakaroon ng Kampo Balagtas mula 30—31 Marso 2015 para sa mga kabataan mulang Rehiyon III at delegasyon mula sa Indigenous People (IP) sa Orion Elementary School.

Isasagawa sa Kampo Balagtas ang mga pangkulturang pagtatanghal at makabuluhang pagpapakilala sa búhay at pamana ni Balagtas sa pamamagitan ng mga interaktibong panayam at palaro.

Kikilalanin ang mga nagwagi sa Talaang Ginto: Makata ng Taon 2015 at ang tatanggap ng Gawad Dangal ni Balagtas 2015 sa unang araw ng kampo.

Papasinayaan din ang Hardin ni Balagtas sa Barangay Wawa, Orion, Bataan sa 30 Marso 2015. Tampok sa hardin ang rebulto ni Balagtas na likha ng bantog na eskultor na si Julie Lluch.

Ang hardin, na paliligiran ng mga katutubong bulaklak at punongkahoy, ay isang cultural park na itinatayo sa tulong ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Bayan ng Orion, Lalawigan ng Bataan, at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa 736-2519 at hanapin si John Enrico C. Torralba ng Sangay ng Edukasyon at Networking, o bisitahin ang kwf.gov.ph.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *