Sunday , December 22 2024

Kawal ng SAF sa Cebu pinarangalan ni Roxas bilang mga bago bayani

mar roxas safNAGSADYA si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa Cebu nitong Sabado upang dalawin ang pamilya nina PO1 Romeo Cempron at PO1 Windel Candano na kabilang sa 44 kasapi ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP – SAF) na namatay sa Mamasapano, Maguindanao.

Pinayuhan ni Roxas ang asawa ni Candano na si Michelle na ilaan ang panahon sa pitong-taon gulang na anak para sa bagong buhay sa kabila ng trahedyang sinapit ng asawa sa pagtupad sa tungkulin.

Para kay Michelle, empleado ngayon ng Philippine Postal Corporation sa Cebu, gusto niyang maranasan ang buhay bilang kawal ng SAF upang lubos niyang maunawaan ang pagsasakripisyo ng buhay ng kanyang mister.

Ibinahagi naman ni Dra. Christin Cempron ang masasayang alaala nila bilang mag-asawa ni Romeo na namatay din sa insidente sa Mamasapano.

Sinabi rin ni Roxas sa pamilya ng tanyag ngayon bilang “Fallen 44” na may panahon sila para magdalamhati pero hindi dapat mag-alala sa kanilang kinabukasan dahil si Pangulong Aquino, ang DILG, PNP, National Police Commission (Napolcom) at iba pang ahensiya ng gobyerno ay hindi magpapabaya at pagkakalooban sila ng pinansiyal, edukasyonal, pangkabuhayan, medikal, pabahay at iba pang porma ng tulong.

Nangako rin siya sa pamilya ng mga namatay at nasugatan sa pangyayari sa Mamamapasano na matatamo nila ang katotohanan at katarungan sa itinatag niyang Board of Inquiry para alamin ang tunay at buong pangyayari kaugnay ng operasyon ng SAF.

Kapwa ininilibing sina Cempron at Candano nitong Linggo matapos tumanggap ng parangal bilang mga bagong bayani sa pag-aalay ng kanilang buhay para sa bayan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *