Monday , December 23 2024

PLDT KaAsenso, malaking tulong para sa pamilyang nagnanais magnegosyo

021015 PLDT Ka asenso Cyberya

00 SHOWBIZ ms mKAHANGA-HANGA ang bagong proyekto ng PLDT, ang PLDT KaAsenso o ang kanilang PLDT KaAsenso Cyberya. Paano’y makatutulong ito ng malaki sa mga nagnanais magtayo ng negosyo na mayroon lamang maliit na capital.

Imagine, sa halagang P1888, maaari ka nang magkaroon ng minigosyo package. Very affordable sa mga magsisimulang magnegosyo. Ang package na ito’y may high-speed Internet at up to 3Mbps na plus PLDT landline. Hindi na kailangan ng upfront fees kapag nag-aplay ng plan na ito.

Ayon nga kay PLDT Vice President at Head of Home Marketing Gary Dujali, ang produkto at services ng PLDT KaAsenso ay tailor-fit para sa mga minigosyantes o microentrepreneurs who are driven by their desire to provide a better life for their families. “Filipinos are naturally very resourceful and really find creative ways to provide for their family. The role of PLDT KaAsenso is to provide them with simple, yet innovative and affordable technology solutions so they can be more efficient and productive leading to a better family quality life and making their hard work and sacrifice all worthwhile.”

Ang kanilang PLDT KaAsenso Cyberya naman ay ang kanilang all-in-one Internet café package na kasama ang complete computer set, cabinet, at d coin-operated timer, na pinatatakbo siyempre ng very reliable PLDT HOME DSL.

Kaakibat ng PLDT KaAsenso ang longest running noontime variety show na Eat Bulaga! para maitaas ang kaalaman ng publiko ukol sa minigosyo at ito’y ipinamamahagi nila sa Juan for All, All for Juan segment.

“We’re very happy with the initial outcome of this partnership that allowed us to reach out to people who could really benefit from PLDT KaAsenso Cyberya,” ani Dujali. “Our vision is to give every Filipino the opportunity to start his own business with utmost convenience.”

Imagine, as low as P7,300 may complete PC set ka na with monitor and CPU, mouse and keyboard. At may easy payment scheme rin sila. Kailangan lang ng ID at barangay permit at pagkabayad ng initial fees puwede ka nang mag-umpisa sa negosyo mo.

So, ano pa ang hinihintay n’yo, go na kayo sa pinakamalapit na PLDT at itanong ang ukol sa PLDT KaAsenso at tiyak na ito na ang simula ng inyong pag-asenso.

ni Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *