Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit hindi na lang ituloy ni Albie ang DNA testing

020915 Albie casiño

00 fact sheet reggeeMULING uminit ang million dollar question ng netizens kung sino talaga ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Sa huling panayam kay Albie Casino ng entertainment press na dumalaw sa set ng Wattpad Presents: A House Full of Hunks sa Reliance Studio kamakailan ay muling natanong ang aktor tungkol sa anak ni Andi dahil lumutang ang isyung si Jake Ejercito talaga ang ama ng bagets.

Hindi na rin naawat si Albie na hindi magbigay ng kanyang saloobin na rati’y ayaw niyang mag-comment. Aniya, ”if you have a secret, you can’t keep hidden forever.

“There was always me and Jake Ejercito. There was always the two of us. I don’t know why everyone thinks it was me. There is no concrete evidence. She just said it was me. She never gave me a DNA test. I don’t know why people automatically assume it was me.”

Nabanggit din ni Albie na hindi na talaga niya pinatuloy ang Paternity testing dahil waste of time o time consuming sa parte niya dahil hindi pa rin naman daw siya vindicated maski na anong gawin niya.

Oo nga naman, parating na kay Andi ang simpatiya ng tao, siyempre nagkaanak at iniwan ng nakabuntis ang drama.

Tutal naman ay muling nauungkat ang isyu, bakit hindi na lang ituloy ngayon ni Albie ang DNA testing? Lalo na ngayon may umaako pa ng gagastusin nito sa kilalang diagnostic center?

Iisa ang tanong ng netizens, bakit tahimik si Andi sa isyung ito, eh, hindi ba’t halos lahat ng intriga tungkol sa kanya ay sinasagot niya?

Kuwestiyonable rin sa netizens ang on and off ang relasyon nina Andi at Jake? Ilang beses ng nambabae ang binata at ilang beses ng nasaktan ang aktres, pero heto ay sila pa rin sa huli.

Post nga ni Andi sa kanyang Twitter account, ”4 yrs isn’t a joke. There’s no harm in being human enough to not throw it all away and learn to be friends.”

Walang pag-amin na pormal na silang nagkabalikan, pero the fact na magkasama sila sa Singapore kamakailan ay iisa lang ang ibig sabihin, ‘okay na sila.’
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …