Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KZ Tandingan, sinagot ang lesbian issue

020915 KZ Tandingan

00 Alam mo na NonieSASABAK si KZ Tandingan sa kanyang unang Valentine concert sa mismong araw ng mga puso. Ito ay pinamagatang KZ 4 U at gaganapin sa Crowne Plaza.

Pero bukod sa kanyang gagawin sa naturang concert, napag-usapan sa presscon nito ang tsismis ng umanoy’y pagi-ging lesbian ng X Factor grand winner. Lalo’t nagpaigsi siya ng buhok ngayon.

“Ako as long as I know who the real me is, as long as my family knows who I really am at ‘yung mga taong nagma-matter sa akin alam kung sino ako at naniniwala kung ano ako, iyon lang ang importante sa akin.

“Actually ‘di ba, being a lesbian and being a tomboy are totally two different terms? It’s just people don’t know kung ano talaga, kung anong ibig sabihin niyon.

“Kasi ako talaga, mahilig ako magdamit ng panlalaki dahil mas comfortable kasi. Hindi ako comfortable sa mga heels, mga ganon… But I’m straight, super straight,” saad ni KZ.

Aminado siyang nakaka-offend kung huhusgahan siya ng ibang tao, lalo na dahil sa kanyang buhok.

“Siyempre po mao-offend ka, kasi hindi ba, jina-judge ka ng mga tao kahit hindi ka naman talaga ganoon. Pero at the same time, maaawa ka rin sa kanila, kasi, wala na silang ibang mahalagang bagay na puwedeng gawin kundi manira ng ibang tao, kundi mag-judge ng iba tao.”

Sakaling intrigahin na su-sunod siya kay Charice Pempengco, sinabi rin ni KZ na hindi naman ito tama. “Kapag ganoon, I get offended. Every time na sinasabi nila na, ‘Ay susunod kay Charice.’ I mean sobrang offensive naman ‘yun para sa tao. Kung ano man -yung sexual pre-ference ni Ms. Charice, it has nothing to do with her as a singer.

“If sasabihin nilang susu-nod kay Charice, ‘Why not!?’ I mean sa na-attain ni Ms. Charice sa career niya, why not!? Hello! Just because of the hair, you judge people?” Nakangiting reaction pa niya.

Makakasama ni KZ sa Va-lentine’s concert niyang ito sina Jimmy Marquez, Tippy Dos Santos, at iba pang surprise guests. Directed by Calvin Neria, ang KZ4U ay prodyus ng Pink Ma-nagement Production Inc. at ng Crowne Plaza Manila. For ticket reservation, please call 633-7222 or log on to facebook.com/crowneplazamanila.

ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …