Globe, Viva nagpartner (Para sa exclusive video content sa CP)
hataw tabloid
February 9, 2015
News
BILANG bahagi ng pangako na maghatid ng ‘innovative content’ sa mga customer nito kasunod ng pakikipagtambalan sa global brands tulad ng Spotify at NBA, sinelyohan ng Globe Telecom ang exclusive partnership sa Viva Communications, ang pinakamalaking entertainment content provider sa bansa sa kasalukuyan, upang maka-access sa libo-libong pelikula, music videos, live concerts at events sa kanilang mobile phones.
Sa partnership, ang mga Globe prepaid at TM customer ay maaaring maka-access sa mayamang library ng video content ng Viva sa aspeto ng movie clips, bloopers, outtakes at behind-the-scenes, movie promo segments, compiled classic movie lines, compilations, music and lyric videos, press conferences, event clips at concert highlights.
Ang videos ay makukuha sa one-stop shop virtual video store Piso Mall ng telco, na pinapayagan ang mga user na manood sa kanilang mobile phones mula sa seleksiyon ng mahigit 200,000 videos, na ang bawat video ay maaaring mapanood sa halagang P1 lamang. Sa Piso Mall, ang mga Globe prepaid at TM customer ay makapapanood ng kanilang paboritong TV shows, movie trailers at clips, music videos at video tutorials sa abot-kayang halaga, ano mang oras, kahit saan sa pamamagitan ng kanilang mobile phones.
“With Piso Mall, we are bringing entertainment at the comfort of one’s mobile phone. We are proud to have Viva as our first local content partner as we only partner with the best. Globe and Viva share the same vision and commitment to giving the Filipino consumers what they want. Filipinos are entertainment lovers – we sing, we dance, we watch movies, we love our celebrities. There’s no better partner than Viva, and Globe is bringing an amazing portfolio of video content from Viva to our consumers who now live a very digital lifestyle,” pahayag ni Issa Cabreira, SVP for Consumer Mobile Marketing at Globe.
“As Globe partners with the best, Viva also partners with the best. Globe is our only partner in this endeavor and I hope it will be a long-lasting tie-up. I’m sure this will be one of our biggest projects,” sabi naman ni Vicente del Rosario, Jr., chairman and CEO ng Viva Communications.
Walang dapat ipag-alala ang mga prepaid customer sa kanilang babayaran sa data usage dahil ang video browsing sa Piso Store ay libre at hindi mangangailangan ng maintaining balance. Magbabayad lamang sila kapag pinanood ang mga video.
Maaaring ma-access ang Globe at TM customers sa Piso Mall sa pamamagitan ng pag-text ng PISO sa 8888 or sa pagbisita sa http://m.pisomall.com.ph sa kanilang mobile browser. Hindi kailangan ng maintaining balance para maka-access sa Piso Mall at wala rin karagdagang bayad kapag nag-browse ng videos sa pamamagitan ng Piso Mall.