Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Depensa ni Kris kay Pnoy normal lang – Palasyo

kristetaBINIGYANG-DIIN ng Malacañang na normal lang na ipagtanggol ni Kris Aquino ang kanyang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa mga batikos.

Kaugnay pa rin ito ng mga batikos sa pangulo dahil sa pag-isnab sa arrival honors ng labi ng tinaguriang “Fallen 44” sa Villamor Air Base kamakailan.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., alam ng lahat na talagang malapit ang Aquino sisters sa pangulo kaya sa bawat pagkakataon ay sinusuportahan ang isa’t isa.

“Batid naman po natin na malapit ang pagsasamahan ng Pangulo at ng kanyang mga kapatid. Sila po ay isang well-knit family at madali naman po nating maunawaan na sa bawat pagkakataon ay nagbibigay sila ng suporta at encouragement sa isa’t isa,” ani Coloma.

Matatandaan, idinaan ng TV host/actress sa kanyang social media sites at TV program ang pagbuwelta sa mga bumabatikos sa kanyang kuya Noy.

Katunayan ay nakatampuhan ngunit nakipag-ayos na rin ang presidential sister sa kaibigang celebrities gaya nina Judy Ann Santos at mag-asawang Regine at Ogie Alcasid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …