Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis, kabit ‘sumabit’ nang mahuli ni mister

110414 affairHINDI makatingin at walang mukhang  maiharap ang isang misis makaraan ireklamo ng kanyang mister nang maaktuhang nakikipagtalik sa ibang lalaki sa loob ng kanilang kwarto sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang ginang na hindi na pinangalanan ng mga awtoridad upang mapangalagaan ang pangalan ng kanyang mga anak, ay nagtatalak sa barangay hall nang dalhin ng mga tanod dahil sa reklamo ng mister na itinago sa pangalang Rey.

Habang panay ang pangako ng kalaguyo ng misis na kinilala sa alyas na Jay, na hindi uli mangyayari ang ginawa nila sa loob ng kwarto sa bahay ni mister.

Sa reklamo ng mister, tuwing ika-15 ng buwan lamang siya umuuwi sa kanilang bahay mula sa kanyang trabaho sa Batangas para may maipakain sa kanyang misis at tatlong mga anak.

Sa tuwing umuuwi aniya siya ay may napapansin siya sa kanyang misis na kakaiba dahilan upang maghinala bukod sa mga naririnig niyang tsismis sa kanilang mga kapitbahay.

Ayon sa mister, ilang gabing hindi siya pinatulog ng pag-aalala na may ginagawang milagro ang kanyang misis kaya’t kamakalawa ng gabi ay nagpasya siyang sorpresang umuwi sa kanilang bahay. Pagbukas niya ng pinto ng kanilang kwarto ay nakita niya ang kanyang misis na nakikipagtalik sa ibang lalaki dahilan upang sumigaw si Rey na nakatawag ng pansin sa kanilang mga kapitbahay. Agad nagresponde ang mga tanod at dinala sa barangay hall ang tatlo. 

R. Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …