Monday , December 23 2024

2 Pinoy patay sa oil field attack sa Libya

Libyan attackKABILANG ang dalawang Filipino sa 12 naiulat na namatay sa pag-atake ng armadong grupo sa isang oil field sa Libya.

“Most were beheaded or killed by gunfire,” ayon kay Abdelhakim Maazab, komander ng security force sa al-Mabrook oil field. 

Batay sa report ng Reuters, naniniwala ang isa pang Libyan official at isang French diplomatic source sa Paris, na Islamic State militants ang nasa likod ng naturang pag-atake nitong Martes ng gabi.

Una nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may tatlong Filipino sa pitong banyagang dinukot sa oil field.

Ngunit ayon kay Maazab, walang kinidnap. Bukod sa dalawang Filipino, walong Libyans at dalawang Ghanaians ang namatay sa pag-atake.

4K OFWs sa Libya pinalilikas ng DFA (3 Pinoy iniulat na dinukot)

PINAMAMADALI na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation sa natitira pang 4,000 Filipino workers sa bansang Libya kasunod ng report na tatlong mga kababayan ang dinukot.

Ayon kay DFA spokesman at Assistant Secretary Charles Jose, noon pang ng Hulyo nang nakalipas na taon nang ipatupad ang alert level No. 4 para sa mandatory repatriation at mahigit 4,000 nang mga OFW ang napabalik sa bansa.

Sa ngayon, umiiral pa rin ang deployment ban sa Filipino workers.

Tiniyak ng DFA na gumagawa sila ng mga hakbang upang mailayo sa kapahamakan ang mga manggagawang Filipino para hindi na maulit ang pagdukot sa tatlong OFW ng Islamic State militants.

Hanggang ngayon ay wala pang natatanggap na demand ang embahada ng Filipinas sa Tripoli, Libya mula sa mga grupong tumangay sa mga Filipino.

Hindi muna inilalabas ng DFA ang pangalan ng mga biktima para na rin pangalagaan maging ang kanilang pamilya. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *