Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kotse ‘nilamon’ ng rumaragasang bus, driver sugatan (Sa biglaang preno)

truck vios accidentNAYUPING parang lata ang isang kotse makaraan sampahan ng pampasaherong bus sa EDSA-Muñoz northbound sa Quezon City kahapon.

Ayon sa saksing si Wilfredo Ramos, pakanan sa kanto ang gray Toyota Vios nang biglang magpreno ang Cher bus sa harapan. Bunsod nito, bumangga ang kotse sa naturang bus.

Ngunit dahil mabilis ang takbo ng Dela Rosa Transit ay bumangga at sumampa ito sa likuran ng Toyota Vios.

Halos isang oras na naipit ang driver ng kotse na si Marcelino Umali Jr., bago nahugot.

Sa kabila nang matinding pagkayupi ng kotse, kaunting sugat lamang ang nakita sa driver at may malay nang ilabas at isakay sa ambulansya.

Habang kinilala ang bus driver na si Edgardo Lilis. Giit niya, nawalan siya ng kontrol dahil nawalan ng preno ang sasakyan kaya naaksidente.

Nilinaw niyang hindi siya tumakas kundi nagpasyang dumiretso na lang sa Traffic Sector 6. Natakot din aniya siyang kuyugin ng mga tao sa lugar. Hawak na rin ng mga awtoridad ang kundoktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …