Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tserman, bodyguard niratrat ng tandem

081014 dead gun crimeKAPWA nasa malubhang kalagayan ang isang barangay chairman at ang kanyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng umaga sa Malabon City.

Nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital ang mga biktimang sina Brgy. Tonsuya Chairman Policarpio “Pol” Ombas, at Ando Tan, driver/bodyguard, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .9mm sa kaliwang balikat, kanang tagiliran at likod.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek na mabilis na tumakas sakay ng hindi naplakahang motorsiklo patungong Caloocan City.

Batay sa ulat ni Senior Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon City Police, dakong 10:45 a.m. nang maganap ang insidente sa P. Aquino St., Brgy. Tonsuya ilang metro lamang ang layo sa Police Community Precint (PCP)-8.

Kapaparada lamang ng tricycle (9334-NV) na minamaneho ni Tan at habang papasakay  si Ombas ay biglang sumulpot ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek at agad silang pinagbabaril saka mabilis na tumakas.

Inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman sa politika ang pananambang dahil kilalang supporter ng ibang politiko si Chairman Ombas at hayagan ang paglaban sa kasalukuyang lokal na  administrasyon.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …