Saturday , November 23 2024

Sen. Koko: Modernisasyon ng NBP dapat na ipatupad kaagad

00 Abot Sipat ArielTAMA ang panukala ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na panahon na upang magtatag ang gobyerno ng isang malaki at modernong piitan para mapaluwag ang mga bulok, masisikip at sira-sirang pasilidad para sa mga nakagawa ng mga pagkakasala sa buong bansa.

Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Justice and Human Rights, nais niyang mapalitan ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na itinayo noong 1935 ng isang makabagong pambansang penitentiary complex para malutas ang mga problema sa pagsisiksikan at hindi makataong kondisyon sa Munti.

Diin nga ni Sen. Koko: “Dapat mawala na ang maling akala na ang lahat ng bilanggo ay pusakal na kriminal na hindi dapat bigyan ng kahit kapirasong simpatya. Dapat din nating ipatupad ang United Nations Basic Principles for the Treatment of Prisoners kaya ituring natin ang lahat ng bilanggo nang may respeto at may likas na dignidad at halaga bilang mga tao.”

Binanggit din ni Pimentel ang sinabi ng yumaong dakilang simbolo ng demokrasya sa South Africa na si Nelson Mandela na nagsabing “Walang tunay na nakababatid sa isang bansa maliban kung mararanasang mapiit sa isa sa mga bilangguan nito.

Hindi dapat husgahan ang isang bansa kung paano tinatrato ang matatas na uring mamamayan nito kundi ang kalagayan ng maliliit.”

Kaugnay nito, nakatutuwa namang pumayag ang Regional Development Council (RDC) III sa pangunguna ni Chairman at Bulacan Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado sa kahilingan ng Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa paglilipat ng NBP at ng Correctional Institution for Women sa Laur, Nueva Ecija.

Napagkasunduan ito sa isinagawang 6th Full Council Meeting ng RDC III sa National Economic and Development Authority Regional (NEDA) Office III sa San Fernando, Pampanga na nagkasundo ang mga gobernador ng Central Luzon sa modernong pasilidad para sa mga preso.

Sinabi ni DOJ Secretary Leila De Lima na ang nasabing proyekto ay isasakatuparan sa ilalim ng public-private partnership (PPP) na magtatayo ng moderno at makabagong piitan sa 500 ektaryang lupain sa Laur upang maresolba at matugunan ang pagdami ng mga detenido sa pambansang piitan na sa kasalukuyan ay mayroong higit sa 20,000 bilanggo.

Sabi nga ni De Lima: “Ang pagtatayo po natin ng modern and state of the art prison facilities is the first major PPP project of DOJ and BuCor kung saan ita-transfer po natin ang mga inmate from National Bilibid Prison from Muntinlupa to Laur, Nueva Ecija. And this is also the first big ticket PPP project and it is also the first of its kind in the country,” ani De Lima.

Inihayag din niya ang kanyang pasasalamat sa ngalan ng DOJ at ng BuCor sa RDC III at NEDA dahil sa pagsang-ayon at pag-endorso sa proyekto na isa sa mga kinakailangan upang ito ay tuluyang maisakatuparan. 

Sinabi rin ng kalihim ng DOJ na ang proseso kabilang ang bidding ng proyekto ay maisasakatuparan sa Setyembre 2015 at tinatayang aabot ng tatlong taon ang konstruksiyon. 

Sana mapabilis ang proyektong ito pero kailangang kumilos na rin ang kinauukulan, lalo si De Lima,  para magkaroon tayo ng matitinong opisyales sa NBP at jail guards na hindi nasusuhulan. 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *