Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael Pangilinan spreads love with Come Sing With Me sa Teatrino on Feb. 11

020515 michael p

00 SHOWBIZ ms mBONGGA naman itong si Michael Pangilinan, aba pagkatapos maparinig ng kanyang mga awitin sa Music Museum, sa Teatrino (Promenade, Greenhills) naman siya magtatanghal. Ito’y magaganap sa February 11 (8:30 p.m.) para sa isang Valentine concert na may titulong Come Sing With Me.

Makakasama ni Michael para magbigay ng magagandang awitin sina Morisette Amon, Duncan Ramos, at Ms. Malu Barry with comic duo Le Chazz at AJ Tamiza. Si Butch Miraflor ang musical director nito at ipinrodyus ng manager ni Michaelna si Jobert Sucaldito ng Front Desk Entertainment Production. Major Presenters include Isabela Gov. Bojie Dy, Vaniderm. Lucida-DS, NaturalezaBiz and Belo Medical Group. Major sponsors are Mr. Neal Gonzales, Mr. & Mrs. Lily and Henry Chua, Guiguinto Mayor and Mrs. Boy and Precy Cruz, Sutla, Livergold, McQueen Petals Flower Shop, Hannah’s Beach Resort (Pagudpud, Ilocos Norte), Erase Placenta and Ms. Chaye Cabal-Revilla.

“First time akong tutugtugan ni Tito Butch (Miraflor) via a baby grand piano kaya susubukan kong magpaka-formal. Ha! Ha! Ha! I have prepared many songs para sa intimate concert kong ito. Good luck sa akin—kung paano ko ilulusot ang mga bagets songs ko like ‘Thinking Out Loud’, ‘All Of Me’, ‘Rude’, ‘Latch’ at marami pang iba.

“Siyempre, nandoon pa rin ang mga signature songs kong ‘Kung Sakali’ at ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’. Marami kasing love songs akong kakantahin for the young and the young at heart kaya kita-kita na lang po tayo sa Teatrino sa February 11. Tiyak na mai-enjoy niyo ang concert naming ito. Very intimate lang talaga. Don’t worry, we’ll spread love in the air,” pangako ni Michael.

Our Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala Michael is becoming to be the country’s favorite young male artist. After winning his Best New Male Artist trophy from Aliw Awards at ang popularity na nakuha niya mula sa Himig Handog P-Pop Love Songs noong isang taon, Michael has been touring the country left and right. He enjoys the mobs and warmth of his audience. He’s currently working on his next album for Star Records. Just watch out for this. Ten cuts na puro kay gaganda talaga.

Teka, parang sobra ang sipag ngayon ni Michael ha?! Bakit kaya?

“Mayroon kasi akong pinag-iipunan. Ha! Ha! Ha! Kahit pang-downpayment lang muna, regalo ko sa sarili ko. Kailangang this year ma-achieve ko ito. Basta ‘pag nandiyan na, isu-surprise ko kayo. Dream ko kasi ito,” anang binata.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …