Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah Lahbati, masuwerteng binigyan ng break ng APT

ni Ed de Leon

020515 Sarah Lahbati

MALAKI ang role ni Sarah Lahbati roon sa pelikulang Liwanag sa Dilim. Hindi mo masasabing siya ang bida sa pelikulang iyan, dahil maging sa publisidad ay ang mga young star na sina Jake Vargas at Bea Binene ang siyang ibinabandera sa publisidad, pero mabuti nagkaroon siya ng ganyang pelikula. Masasabi nga siguro iyan na bale ang kanyang comeback, dahil matagal din naman siyang nawalan ng trabaho matapos na maging at odds noon sa kanilang network, at magbuntis at manganak siya.

Masuwerte na rin iyang si Sarah at nagkaroon pa siya ng ganyang break ulit. Kahit na sabihin mong hindi na nga siya ang bida, at least gumalaw ang kanyang career. Kung iisipin mo mali talaga iyong kanyang pakikipag-away noon sa kanyang network at pagtatago ng isang taon, dahil na rin sa hangad na maikubli muna ang kanyang pagbubuntis at panganganak. Dahil matagal siyang nawala, kung ano man ang inabot na ng kanyang career bilang artista noon ay back to zero.

Ngayon masasabi ngang baka mas masuwerte pa siya kaysa boyfriend niyang si Richard Gutierrez. Dahil sa mga kaguluhan noon at sa sitwasyon nga niya, naisip ni Richard na magbakasyon muna sa kanyang career na mataas na mataas noon, at sinamahan si Sarah. Nawalan din siya ng trabaho ng isang taon dahil sa kanyang desisyon. Hanggang ngayon hindi pa nakababawi si Richard.

Actually, kay Richard kami nanghihinayang eh. Kung hindi siya umalis ng ganoon katagal, hindi magkakaroon ng mga bagong matinee idols, pero dahil sa kanyang self imposed leave, hayun at maraming nakapasok na mga baguhang matinee idols. Nang magbalik siya, nariyan na si Daniel Padilla na siya namang namamayani sa telebisyon na rati ay hawak niya.

Pero ok na iyan, nagkaroon na ng break ulit si Sarah, at siguro this time hindi naman siya mahihirapan dahil ang success ng pelikula nila sa takilya ay hindi nakaatang sa kanya. Kailangan lang mahusay ang maging pag-arte niya.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …