Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ilang bahagi ng DAP unconstitutional (Pinagtibay ng SC)

071614 DAP money SC courtPINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang naunang desisyon na unconstitutional ang ilang bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ito’y sa desisyong inilabas makaraan ang en banc session kahapon ng umaga.

Ayon kay SC spokesman Theodore Te, 13-0 ang resulta ng botohan para pagtibayin na unconstitutional ang ilang bahagi ng DAP.

Hindi sumama sa botohan sina Associate Justices Teresita de Carpio at Francis Jardeleza.

Ngunit pinagbigyan pa rin ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ng Solicitor General.

Binago ng Korte Suprema ang ilang bahagi ng July 2014 decision nito.

Sa bagong desisyon ng kataas-taasang hukuman, idineklara nang constitutional ang ginamit na pera para sa mga proyekto na pinaglaanan ng DAP at hindi covered ng General Appropriations Act (GAA).

Paliwanag ni Te, kinikilala ng Korte Suprema ang magiging epekto nito sa mga proyekto bago inilabas ang desisyon na ito ay unconstitutional.

Samantala, ibinasura ng SC ang motion for partial reconsideration ng respondents kaugnay sa kontrobersiyal na DAP.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …