Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Belo at Hayden, parang teenager sa sobrang PDA

020315 hayden kho Vicky Belo

00 SHOWBIZ ms mNATATAWA kami at naloloka sa kuwento ng isang kaibigang nakapanood ng katatapos na concert ni Michael Buble na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Sabado. Paano’y iritang-irita siya sa hindi mapigilang PDA (public display of affection) nina Dra. Vicky Belo at Hayden Kho.

Ayon sa kuwento, animo’y PBB teens lang ang peg nina Belo at Hayden dahil sobra-sobra raw ang pag-PDA habang nanonood ng concert. “Nakaiirita kasi hindi naman sila mga teen-ager para umarte ng ganoon na yakapan ng yakapan! Hello, matatanda na sila anoh!” tili ng mataray naming kaibigan.

Sagot ko naman, baka ‘ika ko nadala sa magagandang awiting ipinarinig ni Buble sa concert kaya hindi sila nakapagpigil sa isa’t isa. Kasi naman ‘di ba nakai-in-love ang mga awitin ni Michael? Eh, ano pa ‘yung live na maririnig ang kanta nito, siyempre baka nadala sila sa sobrang emosyon nila. ‘Yung sobrang pagmamahal nila sa isa’t isa hahaha…

At baka ‘ika ko pa ay sobrang na-mis nina Belo at Hayden ang isa’t isa kaya hindi nila alintaha na nasa concert sila at maraming tao.

Hindi lang pala ang sobrang paakap-akap at lambing-lambing ang napansin sa dalawa. Hitsura talaga ng highschool, talo ang mga estudyante sa kanila. Kasi naman, si Hayden pa rin ang nagbitbit ng Hermes bag ni Belo. O ‘di ba talbog talaga?!
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …