Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Legs ng daisy kinurot, nilamas driver himas-rehas

040314 prisonREHAS na bakal na ang hinihimas ng isang 49-anyos jeepney driver matapos arestohin ng mga awtoridad dahil sa panlalamas at pagkurot sa hita ng pasaherong dalagita sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Ranulfo Gilena, residente ng Kapanalig St. kanto ng Martinez Ext. ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness, nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police.

Sinamahan  ng kanyang mga magulang sa tanggapan ng Women’s and Children Protection Desk  ng Caloocan City Police ang biktimang itinago sa pangalang Jane, 16-anyos, high school student, ng Tondo, Manila.

Ayon sa pahayag ng biktima, dakong 12:30 p.m. galing siya sa kanilang eskwelahan sa Caloocan City at sumakay sa pampasahe-rong jeep.

Umupo siya sa tabi ng driver at sinabing ibaba siya sa isang food chain sa A. Mabini St., harap ng City hall ng lungsod.

Ngunit nagulat ang dalagita nang itanong ng driver kung kumain na siya at kung magkano ang kanyang baon na sinagot niya ng “P100 po.”

Sinabi aniya ng suspek na bibigyan siya ng P300 kung sasama sa kanya at hindi na siya ibababa.

Pagkaraan ay hinimas ng suspek ang hita ng biktima at kinurot-kurot kaya tinapik ng dalagita.

Pagsapit sa C-3 Road, may sumakay na pasahero kaya mabilis na bumaba ang biktima at sumakay sa ibang jeep pauwi sa kanilang bahay saka nagsumbong sa kanyang mga magulang. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …