Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MJ, pinagalitan at binulyawan daw ni Mrs. Araneta

ni Ed de Leon

013015 MJ lastimosa Stella Marquez Araneta

NATABUNAN na naman ang kuwento ng mga artista sa entertainment news dahil sa pagkatalo ni MJ Lastimosa sa Miss Universe. Maski na ang mga artista, iba-iba ang reaksiyon. Nabasa nga namin iyong comment nina Angel Aquino, Wilma Doesnt at iba pa na inis din dahil sa ipinasuot na gown ng Binibining Pilipinas organizer na siStella Marquez Araneta kay MJ, at mukhang lalo pa silang nainis nang sabihin din ni Araneta na kaya ipinagagawa niya sa kababayan niyang Columbian na si Alfredo Barraza ang mga gown ng mga kandidata ng Pilipinas ay dahil wala siyang makitang magandang design mula sa mga designer na Filipino. Masakit nga namang pakinggan iyon.

Para bang ang nangyayari ay ginagamit ang mga Filipino para mai-promote ang trabaho ng mga designer na Colombian. Mukhang naguguluhan si Mrs. Araneta kung siya nga ba ang organizer ng Binibining Pilipinas o ginagampanan niya ang kanyang role bilang charge d’ affairs ng honorary consulate ng Republic of Colombia sa Pilipinas. Bilang isang Colombian diplomat, kailangan niyang mai-promote ang kanyang bansa, nangyayari nga lang iyon at the expense of the Filipinos.

Iyong isang gown ni MJ ay sinasabi nga nilang “kulay sapin-sapin”. Tapos noong pageant proper na, ang gusto raw isuot ni MJ ay isang pink gown, pero kinagalitan siya ni Mrs. Araneta sa backstage at pinilit na ang isuot niya ay isang white gown, na inihalintulad naman ng marami sa isang “badminton ball”.

Natural dahil hindi niya gusto ang suot niya, at nabulyawan pa siya, wala na siyang gana pagdating ng finals. Iyon daw ang sinasabi nilang ikinatalo ni MJ na isa pa naman sa pinaka-popular na kandidata sa Miss Universe. Kung mapapanood nga ninyo ang video, malakas talaga ang palakpakan kay MJ, pero sa totoo lang, kami man ay napangitan din sa mga suot niya.

Talagang matindi ang social media, dahil ilang oras lang matapos ang Miss Universe, inilabas nila ang isang pangyayaring hindi natin napanood sa TV. Nadapa si Mrs. Araneta paglabas niya sa venue, at maraming netizens ang nagtatawanan. Mukhang wala naman sa ayos iyon lalo na’t kung iisipin na matanda na si Mrs.Araneta, at isa siyang diplomat. Pero hindi mo rin masisisi ang mga tao lalo na ang nanalo ay si Miss Colombia na kababayan nina Araneta at Barraza.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …