Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

8 timbog sa armas, droga sa Kyusi

080614 drugs shabu arrestWALO katao ang nadakip sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group at Quezon City Police District Station 10 nitong Huwebes ng umaga.

Sa bisa ng limang search warrants, ginalugad ng kapulisan ang buong Brgy. Central, partikular na ang Botanical Garden Compound.

Sa isinagawang operasyon, arestado ang pitong lalaki at isang menor de edad.

Ayon sa CIDG, halos isang buwan nilang minanmanan ang lugar para mahanap ang isa sa mga most wanted na criminal na si Abdulbayan Abdula at iba pang mga kasamahan.

Ang grupo ni Abdula ay sangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng panghoholdap, pangangalakal ng illegal na droga, at pagkakaroon ng ilang armas at pampasabog.

Narekober ang apat na kalibre 45, isang kalibre 38, dalawang revolver, isang granada, mga bala ng baril, shabu at marijuana sa mga suspek.

Bigong mahuli ng kapulisan si Abdula ngunit isa sa mga naaresto ang kasamahan niya sa grupo na si Dick Salunoy.

Balak ng CIDG na magsagawa pa ng mga operasyon para matugis si Abdula at ang kanyang grupo.

Tulak na murder suspect tigok sa shootout

PATAY ang isang tulak ng droga at sangkot sa sunod-sunod na pagpatay makaraan maki-pagbarilan sa mga pulis sa follow-up operation ng mga awtoridad sa Caloocan  City  kahapon  ng umaga.

Agad nalagutan ng hininga si Ibrahim Menor alyas Rolly at Kurap, nasa hustong gulang, miyembro ng Panoy Group at residente ng Phase 8, Balwarte, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Base sa nakalap na impormasyon mula kay Sr. Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong 10:30 a.m. sa bahay ng suspek.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pinaglulunggaan ng suspek kaya’t agad nagpadala ng mga tauhan ng North Extension Office (NEO) at Special Reaction Unit (SRU) ng Caloocan City Police sa pinagtataguan ni Menor.

Pagdating ng mga tauhan ng NEO at SRU sa naturang lugar ay agad nagpaputok ng baril ang suspek dahilan upang gumanti ang mga awtoridad.

Makalipas ang ilang minuto ay nakitang duguan at wala nang buhay ang suspek na nakasuot ng class A bullet proof vest habang may hawak ng kalibre .45 baril at isang hand grenade.

Napag-alaman sa mga awtoridad, ang grupo ng suspek na Panoy Group ay sangkot sa serye ng patayan at pagpapakalat ng droga sa naturang lungsod kaya’t matagal nang pinaghahanap ng pulisya.

Patuloy ang follow-up investigation ang mga awtoridad upang matukoy kung saan nagtatago ang mga kasamahan ng suspek.

Rommel Sales

6 arestado sa drug den

ARESTADO ang anim kalalakihan makaraan makompiskahan ng shabu, baril at bala sa pagsalakay ng mga awtoridad sa hinihinalang drug den sa Brgy. Talbak, sa bayan ng Donya Remedios Trinidad, sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang mga naaresto na sina Angelito Bustamante, 47; Gilbert Esguerra, 19; John Peragrina, 19; Raven Brix, 19; Alejandro Sanchez, 51; at Angelito Bustamante, 47-anyos.

Ayon sa ulat, dakong 6 a.m. nang isagawa ang operasyon makaraan makatanggap ng impormasyon na dalawang lalaking lulan ng motorsiklo ang nakatakdang mag-deliver ng droga, baril at bala sa nasabing barangay.

Nag-abang ang mga awtoridad sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at pagkakompiska sa ilang pirasong plastic sachet ng shabu, mga bala at kalas na parte hindi pa nabatid na kalibrre ng baril.

Daisy Medina

2 drug dealer tiklo sa Munti

DALAWANG hinihinalang drug dealer ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Muntinlupa City kamalawa.

Nakapiit sa Muntinlupa City Police detention cell ang mga suspek na sina Ramil Unisa “Gubat” Islan, ng Tepaurel Compd., Putatan,  at Michelle Bunda “Bambam” Ramos, ng Rizal St., Bgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng reklamo mula  sa ilang concerned citizen si Mayor Jaime Fresnedi hinggil sa illegal na operasyon ng mga suspek.

Dahilan upang atasan niya si Sr. Supt. Allan Nobleza, Officer-in-Charge ng Muntinlupa City Police, na maglunsad nang pag-aresto sa mga suspek.

Manny Alcala

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …