Saturday , May 4 2024

Delivery truck tumagilid, 2 sugatan

Police Line do not crossDALAWA ang sugatan makaraan tumagilid ang delivery truck nang sumabog ang hulihang gulong kahapon ng umaga sa Skyway southbound lane sa Muntinlupa City.

Ginagamot sa Parañaque Medical Center ang mga biktimang sina Mickle Mariano, 32, driver, tubong Tarlac, stay-in sa Block 2, Lot 2, Manchester 2, Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City, at Dennis Bozar, 30, pahinante, ng 77 Baesa St. ng nasabi ring lungsod.

Batay sa ulat ni retired General Louie Maralit, hepe ng Skyway Traffic and Security Department, dakong 6:45 a.m. nang maganap ang insidente malapit sa Alabang Exit Viaduct southbound, Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Binabaybay ng isang 6 wheeler delivery truck (ZGH-447) na minamaneho ni Mariano, ang kahabaan ng Skyway Alabang southbound ngunit pagdating ng Alabang Viaduct Exit ay sumabog ang kanang likurang gulong hanggang sa tumagilid ang nasabing sasakyan.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Vaccine

Banta ng HPV inaagapan libreng bakuna sa mga bata sa public schools inilunsad

INILUNSAD ng PGB, PHO-PH ang magkasanib na inisyatiba para labanan ang mga banta ng HPV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *