Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

INC nagtayo ng 500 bahay, farm, factories para sa biktima ng Yolanda

ManaloALANGALANG, Leyte – Noong Pebrero 15, 2014, nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa iba’t ibang bahagi ng mundo ng “walk for a cause” upang makaipon ng pondo para makapagpatayo ng mga bahay at makapagbigay ng livelihood sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Makaraan ang halos isang taon, natupad ang layuning ito.

Sa Sitio New Era, sa Brgy. Langit, 500 konkretong bahay ang naitayo at handa nang matirahan, may eco-farming site, garment factory, fish-drying plant at mushroom facility sa kalapit na lugar para magkaroon ng trabaho ang mga residente.

Pinasinayaan ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo ang village na tinaguriang EVM Self-Sustainable Resettlement Community nitong Biyernes, Enero 23.

Nakatayo sa tuktok ng bundok sa bayan ng Alang-alang, at nakatakdang magdagdag ng 500 pang kabahayan sa taon na ito.

Ang inagurasyon ay kasabay ng ordinasyon ng 24 ministers “in a special worship service” na pinangasiwaan ni Bro. Eduardo. Kabilang sa naordinahan ay isang South African, dalawang Japanese at isang German.

Ang isinagawang worship service sa loob ng tent ay may video link sa Tokyo, Japan; Bonn, Germany; at King William’s Town, South Africa.

Si Madodandile Tyulu, 29, ng South Africa, ang naging unang INC Minister mula sa nasabing bansa. Si Shuta Uchiyama ang naging pangalawang INC Minister sa Japanese descent.

“Ang pamayanang ito na self-sustainable at may eco-farming system, garment factory, fish-drying plant at mga housing unit ay itinatag ng Iglesia Ni Cristo sa pamamagitan ng FYM Foundation Inc.,” nakasaad sa marker na pinasinayaan ni Bro. Eduardo nitong Biyernes.

“Ito ang katuparan ng hangarin ng pamamahala ng Iglesia na matulungan ang mga kaanib na sinalanta ng bagyong Yolanda noong 2013 upang sila’y makabangon at magkaroon ng maayos at matatag na kabuhayan. Sa gayon, makatutulong din ang Iglesia sa pamahalaan ng Filipinas na maiangat ang pamumuhay ng libo-libo nating mga kababayan dito sa Leyte. Purihin ang Diyos!”

Binasa ni INC General Evangelist Minister Bienvenido Santiago ang mensahe sa  marker  sa ginanap na inagurasyon sa pangunguna ni Bro. Eduardo, na nagpresenta ng ceremonial key sa beneficiary ng housing unit. Sinabi ni INC General Auditor Minister Glicerio Santos Jr., ang komunidad ang katuparan ng pangako ng church administration na matulungan ang mga biktima ng Yolanda. Ito ay bukod pa sa tulong ng simbahan sa Yolanda survivors makaraan ang bagyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …