Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino kaya ang nagbibigay ng stress kay Kuya Germs?

ni Timmy Basil

010815 german moreno

MABUTI’T nagpapagaling na pala ngayon si Kuya Germs pagkatapos niyang ma-mild stroke at maisugod sa St. Luke’s Hospital. Personal na inaalagaan ngayon si Kuya Germs ng kanyang anak na si Federico na nagsasabing for now ay magiging hands on muna siya sa pag-aalaga sa kanyang ama at huwag daw niya munang i-entertain ang mga taong nagbibigay stress sa kanya.

Hmmmm… nakaiintriga ito huh.

Teka, sino kaya ang mga taong nakapaligid kay Kuya Germs na nagbibigay stress sa kanya ?

Naku, sino kaya?

‘Yung staff niya kaya sa Walang Tulugan? Ang kanyang co-hosts sa naturang programa? O ang mga kabataang kasama niya rito?

Hindi naman siguro ang mga sekretarya niya dahil gamay na niya ito noon pa Hindi rin naman ang driver niyang si Tito Noli.

Teka, si Jhake Vargas kaya ang nagbibigay ng stress kay Kuya Germs?

Or baka mga reporter na emote ng emote kay Kuya Germs?

Naku, dapat ngang mailayo na muna ni Federico si Kuya Germs sa taong ‘yun or mga taong iyon para dire-diretso ang paggaling nito.

Sa totoo lang, mahal lang talaga ni Kuya Germs ang showbiz, kung tutuusin noon pa dapat siya nag-retire at namnamin na lang ang nagging bunga ng paghihirap pero hindi, nasa dugo na ni Kuya Germs ang pagbibigay kasiyahan sa publiko at pagbibigay katuparan ng mga kabataang gustong makilala sa showbiz.

Si Kuya Germs ang nagsilbing tulay ng lumang showbiz at ang kasalukuyang showbiz. Kilala siya ng mga lumang artista at the same time ng mga baguhang artista.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …