Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica Panganiban, gusto nang bingwitin si Lloydie!

103114 lloydie angelica

00 Alam mo na NonieAMINADO si Angelica Panganiban na kinikilig siya kapag napag-uusapan nila ng kasintahang si John Lloyd Cruz ang tungkol sa kasal. Matagal na ang relas- yon ng dalawa at nasa tamang edad na naman sila, kaya after Marian Rivera and Dingdong Dantes, kabilang ang naturang couple sa inaabangan kung kalian pakakasal.

“Oo naman! Haba ng hair! Ako pala iyong mapapangasawa ni John Lloyd Cruz!” Saad ng aktres.

“Actually, kapag pinag-uusapan namin siya, natatawa kami, nao-awkward kami. Para kasing puwede siyang mangyari. Kumbaga, nasa tamang edad na kami para gawin iyon,” dagdag pa niya.

Nang u-sisain si Angelica kung may plano na ba silang pakasal ni Lloydie, sinabi niyang open siya sa pagsasabi kay Lloydie kung anong klaseng wedding proposal ang gusto niya.

“Kapag may nakikita ako, ‘Uy, kapag nag-propose ka sa akin, ayaw ko ng ganyan, ha. Ayaw ko ng mga may fireworks. Gusto ko medyo private.’

“Basta sinasabi ko sa kanya, na kapag siya nag-propose, ayoko ng maraming tao. Oo, sinabi ko talaga! Ayaw ko ng event. Gusto ko, parang kami lang, family. Ako iyong nag-direct ng proposal!” nakatawang saad pa ng aktres.

Nilinaw din niyang hindi siya kontra sa mga nauusong iba’t ibang pakulo sa wedding proposal, pero mas type lang daw niya kasi na solemn ang dating nito.

“Parang mas sincere lang, mas solemn lang kapag kayo lang. Iyon lang naman ang point ko. Kung gusto niya, kahit saan, okey lang din. Ang importante, nag-propose! Hindi na ako choosy!”

Nasabi rin ng aktres na si Lloydie na ang gusto niyang makasama sa habambuhay.

“Sana, hindi ba? Kaya ka naman nasa isang relationship dahil gusto mo iyon na talaga. Tinatrabaho ninyo iyon everyday na mag-work ‘yong relationship ninyo para mauwi kayo sa magandang samahan na panghabang-buhay,” esplika pa ng versatile na aktres.

Mapapanood sina Angelica at JM de Guzman sa pelikulang That Thing Called Tadhana ng Cinema One Originals. Palabas na ito sa February 4.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …