Monday , December 23 2024

Palasyo news blackout sa Mamasapano Massacre

FRONTNAGPATUPAD ng news blackout ang Palasyo hinggil sa tinaguriang Maguindanao massacre 2 o ang pagpatay sa 44 miyembro ng Philippine National Police –Special Action Force (PNP-SAF) ng mga pwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao kamakalawa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi muna sila magbibigay ng pahayag sa mga detalye ng nasabing insidente hanggang hindi pa nagkakaroon ng resulta ang imbestigasyon ng binuong Board of Inquiry.

Ito’y kabilang aniya sa mga napag-usapan sa apat na oras emergency meeting ng cabinet security cluster na ipinatawag ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina Interior Secretary Mar Roxas, Defense Secretary Voltaire Gazmin, AFP Chief of Staff General Gregorio Catapang, PNP Officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina at Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles.

Kaugnay nito, ikinokonsidera pa ng Malacañang kung magdedeklara ng National Day of Mourning para sa namatay na mga miyembro ng PNP-SAF.

Nat’l day of Mourning isinulong para sa Elite Force

LUMALAKAS ang panawagan na ideklara ang National Day of Mourning bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga pulis na namatay sa pakikipagbakbakan sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). 

Sinabi ni Leyte Rep. Ferdinand Romualdez, ang National Day of Mourning ay pamamaraan na rin para ipahatid sa pamilya ng namatay na mga pulis ang pakikiramay ng buong bansa. 

Habang ayon kay Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, ang pagdedeklara ng National Day of Mourning ang pinakamataas na parangal na maibibigay ng bansa sa mga pulis na namatay habang ginagampanan ang kanilang trabaho. 

Dagdag ni dating police officer at Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil, dapat makiisa ang bawat Filipino sa pagdadalamhati ng buong puwersa ng pulisya. 

Samantala, ipinagtataka ni dating Philippine National Police (PNP) official ACT-CIS party-list Rept. Samuel Pagdilao kung bakit nagtatago sa lugar na kontrolado ng MILF ang mga terorista. 

Sa harap nito, inihayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, pinag-aaralan na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang panukalang pagdedeklara ng National Day of Mourning.

Sa ngayon, naka-half mast na ang mga bandila sa lahat ng kampo at tanggapan ng Pambansang Pulisya ng Filipinas.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *