Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

7-anyos paslit minolestiya sa fastfood chain

112414 kambal abusedARESTADO ng mga barangay tanod ang isang 33-anyos vendor makaraan molestiyahin ang 7-anyos batang babae sa loob ng isang kilalang fastfood chain sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinasuhan ng acts of lasciviousness in relation to RA 7610 (Child Abuse) ang suspek na si Marcus Aurellus Aquino, ng Phase 3, Package I, Block 7, Lot 7, Bagong Silang, Caloocan City.

Sa isinumiteng ulat ni PO3 Jennifer De Leon kay Supt. Jackson Tuliao, hepe ng Manila Police District-Station 2 (Moriones), dakong 12 p.m. nang maganap ang insidente sa 2nd floor ng Jollibee sa Bambang corner Jose Abad Santos Ave., Tondo.

Salaysay ng biktima, pauwi na sila ng kanyang nakatatandang kapatid at isa nilang kaibigan galing sa kanilang eskwelahan nang magdesisyon silang kumain sa fastfood chain.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay biglang lumapit sa kanila ang suspek at tinanong ang kanilang pangalan na kanilang sinagot.

Nagulat na lamang ang biktima nang bigla siyang hinalikan ng suspek at itinaas ang kanyang palda saka hinimas ang ari ng bata.

Bunsod nito, sumigaw sa paghingi ng tulong ang nakatatandang kapatid ngunit sinaway sila ng suspek. 

“Huwag kayong maingay! Kapag nagsumbong kayo sa pulis, papatayin ko kayong lahat pati ang mga magulang ninyo!”

Pagkaraan, mabilis na lumabas ang suspek habang humingi ng tulong ang mga bata sa crew.

Kinabukasan ay naaresto ng mga barangay tanod ang suspek makaraan makilala sa CCTV footage ng fasfood chain.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …