Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-uutol na paslit dedbol sa sunog

fireTUGUEGARAO CITY, Cagayan – Patay ang tatlong paslit na magkakapatid nang masunog sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. San Lorenzo, Buguey, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Ashley Umoquit, 10; Elvin, 7; at Mark Doliver, 6.

Ayon kay Senior Insp. Saturnino Soriano, hepe ng PNP Buguey, walang kasama ang mga bata nang masunog ang kanilang bahay dahil nagtungo ang mga magulang na sina Elvin at Jocelyn Umoquit sa lamay ng namatay nilang ka-barangay na may kalayuan sa kanilang bahay.

Ayon kay Soriano, posibleng nag-umpisa ang sunog sa napabayaang kalan na ginagamitan ng kahoy na panggatong dahil nagmamadaling umalis sa bahay ang mag-asawa

Kwento ng mga kapitbahay sa mga awtoridad, narinig nilang humihingi ng tulong ang magkakapatid ngunit mabilis na natupok ng apoy ang bahay na gawa lamang sa light materials.

Sinabi ni Soriano, na-trap sa loob ng bahay ang magkakapatid dahil natutulog sila nang sumiklab ang apoy.

Hindi nadamay ang 2-anyos bunsong kapatid ng mga biktima dahil iniwan ng kanilang mga magulang sa kanilang kapitbahay.

Labis ang pagsisisi ng mag-asawang Umoquit na namatay ang kanilang mga anak dahil sa kanilang kapabayaan.

(HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …