Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 tulak tiklo sa drug bust

120614 shabu prisonAPAT na tulak ang nasakote  ng mga tauhan ng Northern Police District Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group (NPD-AID-SOTG) sa dalawang magkasunod na drug bust kamakalawa ng gabi sa Maynila at Caloocan City.

Sa ulat ni Chief Insp. Arnulfo Ibanez, hepe ng AID-SOTG, kinilala ang mga suspek na sina Jalani Macaorao, 22, Saripoden Dipatuan, 31, kapwa residente ng Brgy. 648, C. Palanca St., San Miguel, Quiapo Manila; Jaime De Ocampo, Jr., 43, at Allan Trinidad, 38, ng  Phase 7, Block 22, Brgy. 186, Bagong Silang, Caloocan City.

Nabatid na sina Macaorao at  Dipatuan  ay naaresto dakong  5:45 p.m. sa Tolentino St., Legarda, Manila makaraan magbenta ng sampung sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000 sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Sinabi ni NPD Director Chief Supt. Jonathan Ferdinand Miano, ang mga suspek ay inaresto sa tuloy-tuloy na operasyon laban sa mga nagtutulak ng droga.

Dakong 6 p.m. nang maaktuhan sina De Ocampo at Trinidad  sa isang pot session sa loob ng bahay sa Phase 7, Block 22, Lot 8, Brgy. 186.

Sampung piraso ng sachet ng shabu at mga paraphernalia sa paggamit nito ang nakompiska sa mga suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa  Caloocan City Prosecutors Office.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …