Monday , December 23 2024

Ronnie, muntik nang ‘di makasama sa US concert ni Sarah geronimo

00 fact sheet reggeeMUNTIK palang maiwan ng eroplano si Ronnie Liang patungong Los Angeles, USA kamakailan dahil kasalukuyan siyang ini-interview sa US Embassy para sa renewal ng visa niya.

Makakasama ni Ronnie si Sarah Geronimo sa dalawang shows nito sa Amerika kaya sobrang nag-alala raw ang binata dahil baka hindi siya matuloy.

Base sa kuwento ni Ronnie nang i-chat namin siya tungkol sa post niya na muntik nga siyang maiwan ng eroplano. “Hi Reggee, nandito kami ni Sarah sa US for series of concert/shows January 15 Chumas (Casino Resort) Sta. Ines California, January 16 at sa January 17 sa Pechanga (Resort and Casino) Sta. Barbarra, California.

“First time ko po na-experience na mainterview sa US embassy na right after interview ‘pag na-approve lipad kaagad papuntang US, muntik po akong naiwan ng eroplano.

“Tapos super tindi ng traffic (papuntang airport) talaga na kinalkula ko magmotor sa daan na makiki-angkas ako para mabilis ang takbo makaabot but thank God nakaabot talaga mabuti na lang din delayed flight namin,” say ni Ronnie.

012215 sarah ronnie

Nalaman naming unang beses pa lang magsasama sina Ronnie at Sarah sa ibang bansa, ”first time ko po makasama kay Sarah dito sa US para mag-concert first project ko po ito with Viva ngayong 2015, super thankful ako kay Sarah na makasama niya ako sa concert niya rito sa Amerika and nagpapasalamat ako sa Viva kina boss Vic at ma’am Veronique (del Rosario-Corpus), boss Vincent sa pagbibigay nila sa akin ng opportunity at mga project lalo na shows sa abroad and makasama si Sarah.

“Pagbalik ko naman po sa atin sa ‘Pinas magpo-promote ako ng new album ko under Universal records, TV promo, radio tour and mall tour para i-promote ang album ‘Songs of Love’ (nakita rin namin sa post ni Ronnie sa FB niya nag nag-shoot na rin sila ng music video nito).

“Pagbalik ko rin po mag-celebrate ako ng birthday (January 31) sa Philippine Children’s Hospital sa mga batang may cancer ipinangako ko rin po na mag-celebrate ako sa kanila, pang-5yrs ko na po nagse-celebrate kasama ang mga batang may cancer,” sunod-sunod na kuwento ng singer.

Balik-tanong namin kay Ronnie na maraming beses na rin siyang nag-renew ng US Visa paano niya nasabing first time mangyari sa kanya?

“Yup maraming beses na na-interview for US shows pero usually after a week doon pa lang ang alis namin for show or concert abroad pero ngayon pa lang ‘yung right after interview lipad kami kaagad,” paliwanag sa amin ng singer.

Susme, paano kung hindi na-approve si Ronnie, eh, ‘di hindi pala siya makakasama sa show ni Sarah, ”ganoon nga po.”

Samantala, muling nag-renew ng tatlong taong kontrata sa Viva si Ronnie dahil kuntento raw siya sa nangyayari ngayon sa career niya dahil hindi siya nawawalan ng trabaho na kadalasan ay sa ibang bansa.

Punumpuno raw ang dalawang venue ng show nina Sarah at Ronnie kaya naman masaya rin ang Pop Princess at kaagad na bumalik ng Pilipinas dahil marami pang commitments samantalang ang binatang singer naman ay nagpa-iwan muna at sa Enero 25 naman babalik para ayusin ang nalalapit na kaarawan kasama ang mga batang may kanser sa Philippine Childrens Hospital sa Enero 31.

 

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *