Saturday , November 23 2024

Ngiti ng pinoy mahirap makalimutan — Pope Francis

FRONTHINDI pa rin makalimutan ni Pope Francis ang karanasan sa kanyang pagbisita sa Filipinas.

Ayon sa Santo Papa, labis siyang nadala sa mainit at taos-pusong pagtanggap sa kanya ng mga Filipino.

Aniya, hindi niya makalilimutan ang labis na kasiyahan ng mga Filipino, mga ngiti at selebrasyon sa kabila ng mga problema sa buhay.

“It’s the joy, not feigned joy. It wasn’t a painted (false) smile. No, no! It was a smile that just came, and behind that smile there is a normal life, there are pains, problems,” ani Pope Francis.

Tinukoy rin niya ang hayagang pagpapalapit ng mga magulang ng kanilang mga anak sa kanya upang mabasbasan lalo na sa mga ruta na kanyang dinaraanan.

Maging ang mga ina ay hindi rin ipinagkakait na mailantad ang kanilang anak na may mga kapansanan.

Ang naturang tanawin ay hindi aniya niya nakikita sa ibang lugar.

Papal Visit positibo sa investment sector

KOMPIYANSA ang Malacañang na malaki ang maitutulong ng Papal visit sa pagtingin ng mga dayuhang investors sa bansa.

Ginawa ni Communications Sec. Sonny Coloma ang pahayag makaraan ipahayag ng ilang ekonomista at mga negosyante na maganda sa mata ng foreign investor sa buong mundo ang matagumpay at mapayapang pagbisita ni Pope Francis.

Sinabi ni Coloma, nananalig ang pamahalaan na mas titibay ang tiwala ng mga negosyante sa Filipinas dahil sa nakita nilang epektibo ang paghahanda at kalidad ng administrasyon.

“Nanalig tayo na dahil sa maayos at makabuluhan ang pagdalaw ng Santo Papa ay titibay ang tiwala sa ating bansa dahil sa nakita nilang epektibo ang ating paghahanda at kalidad ng ating administrasyon,” ani Coloma.

Nauna rito, sinabi ng stockbroker na si Wilson Sy, makatutulong sa Filipinas na makita sa buong mundo ang ligtas at maayos na pagbisita ni Santo Papa sa bansa.

Bago dumating ang Santo Papa, naitala sa Philippine Stock Exchange (PSE) Index noong Miyerkoles ang all-time high record na 7,498.88 na tinawag nilang “papal rally” bilang patunay na positibo ang pagtingin ng mga lokal at dayuhang negosyante.

Habang tiwala si San Miguel Corp. president and chief operating officer Ramon Ang na ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa ay magbubunga ng “maximum exposure” sa international financial community.

Allowance ng pulis sa Papal Visit ibigay nang buo (Utos ng Palasyo sa PNP)

PINAGPAPALIWANAG ng Malacañang ang liderato ng PNP kaugnay sa reklamo ng mga pulis na nagsilbi sa Papal visit, na hindi pa sila nababayaran nang buo.

Magugunitang imbes na P2,400 ay P700 lang ang naibigay sa mga nag-duty na pulis at pinapirma sa blangkong papel.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, aalamin kay PNP officer-in-charge Leonardo Espina kung paano naipamahagi ang inilaang allowance ng mga pulis.

Ayon kay Lacierda, dapat lamang maibigay sa kinauukulang pulis ang naipangakong allowance para sa pagkain at iba pang pangangailangan.

Una rito, maraming pulis ang ginutom at nauhaw habang naka-duty sa Quirino Grandstand dahil naabusan ng supply.

Nanggulo sa papal visit kinasuhan

SINAMPAHAN na ng kaso ng Philippine National Police (PNP) ang ilang nanggulo sa limang araw na pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Makaraan tangkaing insultuhin ang Santo Papa sa Apostolic Nunciature, sinampahan ng kasong paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code o offending the religious feelings, at paglabag sa Batasang Pambansa No. 880 o illegal assembly sina Felix Bruce Bertos, Restituta Samonte, Esmeralda Cruz at Hazel Apao.

Nagladlad ang apat ng dala nilang tarpaulin na nagsasaad ng “Ika-2 utos, huwag kayong sumamba, yuyukod at maglilingkod sa diyos-diyosan, larawan o rebulto ng anumang nilalang, Exodo 20, 4-5,” “Only Jesus Christ can save you from sin and hell,” at “Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Hesukristo na ating Panginoon, Roma 6:23.”

Ang ginawa ng apat ay nakainsulto sa mga Katoliko na nagbabantay sa pagdating ni Pope Francis kaya itinaboy sila sa Advance Command Post ng PNP.

Nabatid na miyembro sila ng Evangelical Christians. Nang hingan ng permit para mag-assembly, walang naipakita ang grupo.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *