Tuesday , December 24 2024

Allen Dizon, nanalo ng apat na Best Actor sa loob ng limang buwan!

011415 Allen Dizon

00 Alam mo na NonieMATINDI ang na-achieve ni Allen Dizon nang manalo siya ng apat na Best Actor award sa loob ng limang buwan.

Unang nanalo si Allen sa 9th Harlem International Film Festival sa New York City noong September, sumunod ay sa 3rd Hanoi International Film Festival noong November at dito’y tinalo niya ang Hollywood actor na si Ralph Fiennes. Nanalo rin si Allen sa 2014M MFF New Wave Category nitong December. At sa pagpasok ng 2015, inanunsiyo naman na si Allen ang itinanghal na Best Actor sa 13th Gawad Tanglaw Awards.

Sa aking palagay, gumawa ng matinding record si Allen nang kanyang ma-achieve ang apat na Best actor award sa loob ng limang buwan para sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana.

Bale sa kabuuan, umabot na sa isang dosenang acting awards ang napanalunan ni Allen.

Nakapanayam namin si Allen recently at inusisa namin sa kanya kung ano ang masasabi niya sa sunod-sunod na acting awards na kanyang napapanalunan.

“Iyong mga festival na ganito, iba pa rin yung nasa Pilipinas, ‘di ba? Iba pa rin yung makatanggap ka ng award sa mismong bansa mo. Siyempre mas masarap yun, bonus na yun. Kaya sobrang blessings na para sa akin ito.

“Kasi sunod-sunod e, September, November, December, tapos ngayong January. Kaya nakakatuwa, nakakatuwa talaga,” masayang pahayag ni Allen.

Ano ba ang napi-feel niya kapag nananalo siya ng Best Actor award? “Siyempre, may kaba pa rin every time na may award’s night e. Iyong excitement na once na tatawagin yung pangalan mo, iba yung feeling e. Parang lagi kang lutang e, feeling ko parang nanalo ako sa lotto e,” wika pa ni Allen.

So, bale record ba yun na in five months ay apat na Best Actor award ang nakuha niya? “Oo, sa tingin ko. Parang parang record na yata ito, hindi ba?” sagot-tanong pa sa amin ng aktor. “Ibang accomplishment para sa akin ito,” dagdag pa niya.

Ang next project ni Allen para sa BG Productions ni Ms. Baby Go ay ang pelikulang Daluyong (Storm Surge) na malapit nang simulan. Ang role niya rito ay isang pari na may naanakang girlfriend at ayon kay Allen, isa ito sa pinaka-challenging na role na kanyang gagampanan.

Ang Daluyong ay pamamahalaan ni Direk Mel Chionglo at mula sa panulat ni Ricky Lee. Makakasama rito ni Allen sina Diana Zubiri, Eddie Garcia, Aiko Melendez, at iba pa.

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *