Saturday , November 23 2024

Sinaksak ng pasyente, jaguar kritikal

082714 police line crimeCEBU CITY – Kritikal ang kondisyon ng isang security guard ng Vicente Sotto Memorial Medical Center-center for behavioral sciences makaraan saksakin ng pasyente ng pagamutan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Jonatahan Flordeliz, 47, at residente ng Brgy. Cogon-Pardo, Lungsod ng Cebu.

Ayon kay VSMMC-Behavioral Sciences head Dr. Rene Obra, ang pasyente ay dinala sa kanilang pagamutan kamakalawa dahil iba na ang kinikilos makaraan namatayan ng anak.

Dagdag ni Obra, kalmado ang 28-anyos pasyente na nagpalakad-lakad lang sa hallway.

Inoobserbahan ang pasyente simula nang dalhin kamakalawa kaya malaya siyang nagpagala-gala hanggang sa nakasalubong ang isang medical staff na bahagya niyang binundol.

Hindi inakala ng staff na sa pagkasalubong ay kinuha pala ng pasyente ang surgical knife na nasa medical kit.

Nabulabog ang lahat nang nakitang sinaksak ng pasyente ang gwardiya na nakatayo sa harap ng pintuan.

Napag-alaman, ang pasyente ay naging adik sa loob ng dalawang taon.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *