Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Industriya ng pelikula at telebisyon parehong mahal ni Ambassador Antonio Cabangon-Chua, 9 TV at CNN Philippines bahagi na ng kanyang kompanya

011414 Ambassador Antonio Cabangon Chua

00 vongga chika peterBago pa naitayo ang kanyang radio station at publication ay nakilala noong 80’s ang aming beloved Amba Antonio Cabangon-Chua bilang movie producer ng sariling Libran Films at theater owners na may gawa ng ilang pelikula kabilang na ang blockbuster movie ni Fernando Poe Jr at classic film na Mga Paru Parong Buking nina Eddie Garcia, Eddie Rodriguez, George Estregan at Bernardo Bernardo na tumabo rin sa takilya. Ngayon pagkatapos mag-produced ay tinutukan naman ng husto ni Amba ang kanyang mga negosyo na sa ngayon ay mayroon na siyang pag-aaring 20 companies kabilang na ang mas lumawak niyang Aliw Broadcasting Corporation na may AM(DWIZ) and FM Stations(Home Radio) sa buong bansa. Circulated din ang publications nito na naglalabas daily ng Business Mirror at Pilipino Mirror, at monthly magazine tulad ng Philippine Graphic Magazine, Cook Magazine, View Magazine atbp. At para makumpleto na ang kanyang matagal ng pangarap na Trimedia ay binili ng pamosong negosyante ang RPN 9 na ngayon ay mas kilala na bilang 9 TV sa ilalim ng kanyang Nine Media Corporation kung saan si Amba ang tumatayong chairman ng network. Via 9 TV ay nationwide ng napapakinggan ang lahat ng mga programa nito sa DWIZ anchored by famous broadcasters Rey Langit, Mon Tulfo, Tony Calvento, Ruth Abao and Alex Santos. Hindi lang ‘yan nakuha na rin nito ang franchise ng CNN In-ternational, ang sikat na news channel na napanonood worldwide. At ngayong 2015 ay full operation na ang CNN Philippines ng former Ambassador ng Laos, at narito ang maikling pahayag niya sa interview sa kanya ng ilang broadsheet columnist, bloggers at TV reporters ukol sa kanyang network at kung ano ma-i-ooffer nila sa Tv viewers. “By intergrating local elements and content in it’s programming, CNN Philippines brings together world-class local and international content for Filipino audiences,” sabi pa ng business tycoon. Mapapanood sa 9 TV o Free TV ang CNN Philippines, na primary English-language channel na nagbibigay ng dynamic combination ng local at international news ganoon na rin ng currents, feature programming at documentaries na nagbibigay ng inspirasyon sa publiko. Proudly Pinoy gyud!

STUDIO AUDIENCE PWEDE NANG MAKITA SA OFFICIAL FACEBOOK FAN PAGE NG EAT BULAGA, LIKERS NG PROGRAMA LAMPAS 6 MILLION NA

Dahil hindi lang Batanes hanggang Jolo ang audience ng Eat Bulaga kundi pinanonood rin sa iba’t ibang bansa. Dahil sa suporta ng milyong-milyong Dabarkads ay umabot na sa mahigit 6 million ang likers sa official Facebook Fan Page ng EB. Very exciting naman kasi ang FB ng EB Dabarkads kung saan hindi lang ang mga episode ng noontime variety show ang makikita kasama ng daily guests. Kundi lahat ng activities o whereabouts ng inyong favorite hosts sa pangunguna nina Tito Sen, Bossing Vic Sotto at Joey de Leon ay inyo ring makikita sa nasabing site. At ngayon dahil sa sobrang pinahahalagaan ng no.1 longest-running noontime show ang kanilang studio audience na kasa-kasama nila araw-araw. Puwede nang i-grab o i-download ng mga kababayan natin at mga balikbayan na bumibisita sa Bulaga sa Broadway Studio ang kanilang mga picture sa Facebook ng show at instant bidang-bida na sila sa buong mundo. Araw-araw ay daan-daang Dabarkads ang pumipila para makapanood lang nang live sa kanilang paboritong show na going to 36 years na this year.

 

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …