Saturday , November 23 2024

10 Bilibid inmates pa inilipat sa NBI

102314 bilibidSAMPU pang notoryus na preso sa New Bilibid Prison (NBP) ang inilipat sa pangangalaga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Avenue, Maynila.

Ang paglilipat sa mga preso ay kasunod nang ikatlong pagsalakay sa NBP sa Muntinlupa na isinagawa ng Department of Justice, NBI at ng Philipiine National Police.

Kabilang sa mga inilagay sa kostudiya ng NBI at pinaniniwalaang sangkot sa illegal drugs trade ay sina Jim Pasco, Joselito Valiente (konektado sa Batang Cebu), Noel Arnejo, Engelberto Durano, at Brando Ramirez, pawang mga kilalang drug lord sa Kabisayaan.

Sa ikatlong raid, nakompiska ng mga awtoridad ng maraming cellphones, cellphone signal boosters, mga patalim, sex toys at P700,000 cash.

Ang mga kontrabando ay narekober ng NBI sa tatlong magagarang kubol na pag-aari ng limang drug lord.

Ang mga cellphone ay nakita ng NBI na nakadikit sa ilalim ng mga upuan, sa pagitan ng mga libro, sa loob ng kisame at mga tagong divider ng mga kubol.

Ngunit itinuturing ni Justice Secretary Leila de Lima na ang pinakamabigat na nakompiska ng bureau sa raid ay ang mga blackbook na nagpapatunay nang lawak ng operasyon ng mga drug lord at kanilang daan-daan libong pisong transaksiyon na ang pinakahuli ay noong nakaraang Huwebes at Biyernes.

Dahil dito, ay iniutos ni De Lima na ilipat sa NBI jail ang nasabing drug lords.

Bukod sa limang drug lord, inilipat na rin sa NBI ang lima pang preso na hinihinalang sangkot sa pagpapasabog sa granada noong Enero 8 na ikinamatay ng isang preso at ikinasugat ng 19 iba.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 29 high profile inmates ang nasa pasilidad ng NBI na resulta ng sunod-sunod na pagsalakay sa pambansang piitan.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *