Saturday , November 23 2024

Pemberton ilipat sa regular jail (Giit ng pamilya Laude)

122214 pembertonNAGHAIN ng motion for reconsideration ang pamilya na pinaslang na transgender na si Jennifer Laude, kaugnay sa desisyon ng korte na huwag nang ilipat sa regular na kulungan ang suspek na si Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.

Sa mosyon na inihain ng kapatid ng biktima na si Marilou Laude, hiniling niya sa Olongapo Regional Trial Court na baligtarin ang naunang desisyon at ilipat sa regular na kulungan si Pemberton na ngayon ay nasa Camp Aguinaldo.

Hiling din ng kampo ng biktima na mailipat sa kustodiya ng Filipinas si Pemberton.

Humirit din ang pamilya Laude na payagan ang media sa loob ng courtroom.

Una nang ibinasura ng Olongapo RTC ang hiling ng pamilya ni Laude na ilipat sa regular na kulungan si Pemberton at payagan ang media sa loob ng courtroom.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *