Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jennylyn, napagkikita raw kung saan-saan na may kasamang lalaki?

ni Roldan Castro

011015 Jennylyn Mercado

TUMAAS ang level ni Jennylyn Mercado sa pagiging Best Actress at pagpalo sa top 4 sa takilya ng English Only Please ng Metro Manila Film Festival. Pressure sa kanya dahil sa susunod na project ay dapat malampasan pa nila ito.

Hindi ba siya na-surprise na ang Best Actress award niya ay galing sa isang romcom at hindi sa mga drama na pinaggagawa niya?

“Sabi ko nga..nag-usap nga kami ng nanay ko, sabi ko Ma, napansin ko lang parang ang dami ko nang dramang ginawa sa 10 taon ko sa showbiz, first time kong mag-comedy ngayon pa ako nanalo ng acting award. Sabi ko, baka rito ako nakalinya, ha!ha!ha!,” deklara niya.

Kinukulit din siya kung ano ang ibinulong sa kanya ng dating Pangulo/Mayor Joseph Estradasa stage habang ginaganap ang Gabi ng Parangal ng MMFF.

“Hindi ko siya puwedeng sabihin ..baka ..basta iba eh,” natatawa niyang pahayag.

Bastos ba?

“Hindi,” pakli ng dalaga.

Bagamat hindi namamatay ang pagkaka-link niya kay Dennis Trillo, posible kayang magkaroon ng second chance ang pagkakaugnay niya kay Raymart Santiago? Hindi kaya nadugtungan?

“Hindi ah! Kayo talaga. Wala. Lahat na lang?” reaksiyon niya.

Nagpaparamdam ba si Raymart?

“Hindi po. Pero tingin ko sa kanya, hindi siya tumatanda, eh. Baby face pa rin ganoon. Batak pa rin ‘yung katawan. Inaalagaan niya talaga ‘yung sarili niya. Off cam, sobrang kulit niyan. Pupuntahan lang niya ako sa tent, guguluhin lang ako. Nanggugulo lang,nangunguha ng pagkain, ganoon,” sagot niya.

Kumusta si Raymart?

“Okey naman po. Masayahin siya. Sa buong taping namin, masaya,” aniya pa.

Sabi ni Raymart, hindi ka pa raw ready magmahal ulit?

“Hindi ko pa alam schedule ko, eh.ha!ha!ha! ini-schedule ko para… darating din ‘yun, ‘wag magmadali. Balitaan ko kayo kung ano ang update. Sa ngayon, wala talaga, boring, eh!” sey pa niya.

Ayaw pa bang sundan si Jazz?

“Huwag muna. Pinaghirapan ko ito eh (seksing pangangatawan),” tugon niya.

Hindi ba siya naniniwala sa pagbibigay ng second chance sa ex niya?

“Depende po eh, iba-iba.. case to case basis. Sa ngayon, hindi ko pa alam,” aniya.

So, magkaka-level lang sina Mark Herras, Dennis Trillo, Patrick Garcia?

“’Di ba sila-sila dumadalaw. Okey na kami, ganyan. Kasi mas maganda ‘yung kaibigan sila, ‘di ba?”

Pero nilinaw niya na hindi pa nakakadalaw si Dennis sa bahay niya. Itinanggi rin niya ang isyung dumadalaw siya sa condo ni Dennis.

“Parang ‘yung balita noong nakaraang Linggo, nagpunta raw ako ng Boracay, may kasama raw ako, ‘di ba? Saan naman nanggaling ‘yan? Sandali, parang sabay-sabay? Puwede isa-isa? Ha!ha!ha!,” bulalas niya.

Kung saan-saan ka napagkikita ha?

“Oo nga, may Boracay…”

Hindi ba siya affected sa ganoon?

“Hindi kasi hindi naman totoo. Kumbaga, ako medyo affected ako roon sa mga hindi totoo pero tinatawanan ko na lang. Parang ayaw ko nang mag-aksaya ng panahon pero naiinis ako kasi hindi naman totoo. ‘Yun bang bakit ninyo ipinagpipilitan, ‘yung ganoong pakiramdam. Pero sa sobrang gusto ko na lang deadmahin, pinagtatawanan ko na lang. Ayaw ko na lang pagtuunan ng pansin kahit naiinis ako,” deklara pa niya.

Mapapanood si Jennylyn sa kanyang Valentine’s concert sa Skydome , SM North Edsa sa February 13 na guest si Derek Ramsay.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …