Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 killer ng lady journo arestado

Nerlie LedesmaNAARESTO na ang dalawa sa apat na mga suspek sa pagpaslang sa tabloid reporter na si Nerlita “Nerlie” Ledesma sa Bataan.

Ayon kay Bataan Police Director, Sr. Supt. Rodel Sermonia, positibong kinilala ng mga testigo ang gunman na si Inocencio Bendo alyas Banjo at kasabwat na si Juan Pulo alyas Buboy, kapwa kakasuhan ng murder.

Dagdag ni Sermonia, tumbok na rin ng kanilang operasyon ang dalawa pang suspek na nagsilbing look-out at kompiyansa siyang matutukoy na rin nila ang mastermind sa pagpaslang sa Abante reporter.

Nakatulong aniya sa mabilis na pagkilala sa mga suspek ang P100,000 reward na inihayag ni Governor Albert Garcia.

Lumilitaw na alitan sa liderato ng homeowners association ng mga informal settler sa Balanga City ang motibo sa krimen at walang kinalaman sa trabaho ni Ledesma bilang mamamahayag.

Nabatid na si Ledesma ang kasalukuyang pangulo ng homeowners association sa lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …