Saturday , November 23 2024

Listahan para sa executive clemency nirerepaso pa (Pasalubong kay Pope Francis)

PopeNIREPASO pa ni Justice Secretary Leila de Lima ang listahan ng mga pangalan na isusumite sa Malacanang para sa executive clemency.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang listahan ay hindi pa naisusumite kay Pangulong Benigno Aquino III, na magsisilbing regalo ng Palasyo kay Pope Francis sa pagdating ng Santo Papa sa bansa.

“Noon pong Biyernes ng umaga, sinabi niya na nandoon pa sila sa punto nang masinsin na pagrerepaso at pagsusuri doon sa iba’t ibang rekomendasyon, at kapag nakompleto na po nila ang kanilang tuklas at rekomendasyon, ita-transmit naman po ito sa Tanggapan ng Pangulo at gagawin po ang nararapat hinggil diyan,” pahayag ni Coloma.

Ayon kay De Lima, ang executive clemency ay ipagkakaloob sa mga may malalang sakit at matatanda nang bilanggo.

Aniya, 80 pangalan ang ‘under review’ ngunit higit pa rito ang nais ng Pangulo.

Pnoy, 12 gabinete sasalubong sa Santo Papa

SASALUBUNGIN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ng 12 miyembro ng gabinete si Pope Francis sa Villamor Airbase sa Pasay City sa Enero 15, Huwebes.

Kinompirma ni Usec. Abigail Valte, kabilang sa mga magbibigay ng arrival honors sa Santo Papa ay sina Vice President Jejomar Binay, Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Bubungad din kay Pope Francis sa airport ang 1,200 kabataang babae at lalaki.

Inihayag din ni Valte na dadalo si Aquino at ilan sa kanyang gabinete sa misa ni Pope Francis sa Quirino Grandstand sa Luneta Park sa Enero 18, Linggo.

Bukod sa pagbabawal sa pagdadala ng payong at bag sa

Papal Mass, umapela rin si Valte na makiisa ang publiko sa mga hiling ng Palasyo at Simbahan para sa kaligtasan ng Santo Papa.

Kooperasyon ng publiko muling iniapela ng Palasyo

UMAPELA ang Palasyo sa mga dadalo sa mga aktibidad ni Pope Francis na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaayusan.

“Hinihiling lang po ang kooperasyon ng lahat. Sumunod po tayo sa ushers, marshals, enforcers at pulis para maging maayos po ang lahat ng kaganapan,” pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Inabisuhan din niya ang mga sasalubong sa Santo Papa na maging disiplinado, huwag masiksikan at magtulakad upang makita ng lahat ang motorcade at mismong si Pope Francis.

Kailangan aniyang maging kalmado ang publiko kapag may narinig na kakaiba habang nagaganap ang aktibidad.

Gaya nang sinabi aniya ni Pangulong Benigno Aquino III kamakailan, magkakaroon ng exit points upang maiwasan ang stampede sakaling may magsimula nang kaunting kaguluhan.

Binigyang diin ni Coloma na dapat alamin ng mga dadalo ang exit points mga lugar na gaganapin ang akbidad ng Santo Papa.

Ngayon pa lang ay hinihingi na ng Palasyo ang pang-unawa ng mga maapektuhan sa mga paghahanda sa Papal visit.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *