Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suspensiyon vs Supt. Felonia iniutos ng Ombudsman (Sa Richard King killing)

feloniaINIUTOS ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension laban sa isang police officer na sangkot sa pagpatay sa negosyanteng si Richard King sa Davao City noong nakaraang taon.

Sa ipinalabas na order ni Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices, Cyril Ramos, iniutos niya sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng suspensiyon laban kay Supt. Leonardo Felonia, hepe ng PNP Regional Intelligence Unit na nakabase sa Ecoland, Davao City.

Si Felonia ay suspendido ng anim na buwan nang walang sahod.

Magugunita, positibong tinukoy ng naarestong mga gunman na sina Paul Dave Molina Labang, Rommel dela Cerna at Rodel dela Cerna, na si Felonia ang mastermind at nagplano sa pagpatay kay King.

Bukod sa kinakaharap na criminal case, nahaharap din si Felonia sa administrative charges ng grave misconduct and conduct unbecoming a police officer sa Ombudsman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …