Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Garin bagong DoH secretary

112514 garinITATALAGA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Janette Garin bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH).

Si Garin ang kasalukuyang acting secretary ng kagawaran na humalili makaraan mag-leave hanggang sa tuluyang magbitiw si DoH Secretary Enrique Ona.

Sa ambush interview sa pagdalo sa inagurasyon ng bagong gusali ng Romblon Provincial Hospital, binanggit ni Aquino na gagawin niyang permanenteng kalihim si Garin dahil kuntento siya sa trabaho ng opisyal sa DoH.

Magugunitang unang nag-leave si Ona makaraan pagbakasyunin mismo ng Pangulo para ipaliwanag ang sinasabing maanomalyang pagbili sa P833 milyong halaga ng bakuna kontra pneumonia. Kinaulana’y naghain din ng resignation letter si Ona na tinanggap ng Pangulo.

Samantala, batay sa inisyal na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), hindi masasabing maanomalya ang pagbili ng bakuna ng DoH dahil napunta ito sa kinauukulan.

Si Garin ay miyembro ng Liberal Party (LP) na partido rin ni Aquino.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …