Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Instructional video ilalabas ng Palasyo (Sa pagsalubong sa Santo Papa)

111314 pope francisMAGLALABAS ng instructional video ang Palasyo bago ang pagdating ni Pope Francis sa Enero 15 para ipaalam sa publiko ang mga dapat gawin sa pagsalubong sa Santo Papa, pati na paghahanda sakaling magkaroon ng worst case scenario.

Sa media interview sa Pangulo sa pagbisita sa lalawigan ng Romblonkahapon, sinabi niya na hindi papayag ang gobyerno na makasingit angsino mang magtangka nang masama sa Santo Papa, lalo na ang terorista kaya ang paglalabas ng instructional video ay makatutulong para magkaroon ng impormasyon ang publiko sa usapin ng kaligtasan ng lahat, hindi lang ni Pope Francis.

Ipakikita aniya sa nasabing video ang mga magulong insidentengpwedeng maganap at kung paano ito maiiwasan, lalo na’t mismong siPope Francis ay gustong makalapit sa mga tao.

“So pinipilit natin together with the private sector, together with the church, na manigurado na i-lessen lahat ‘nung risks na inherit with the Pope’s visit. Siyempre, may challenge din tayo dahil itong Papa natin sa ngayon ay malapit sa tao talaga at hinahanap ‘yungmakadaupang palad ang ating mga kababayan,” ayon sa Pangulo.

Kwento ng Pangulo, sa araw-araw na pagdalo sa mga preparasyon saPapal visit ay binabangungot na si Executive Secretary Paquito Ochoasa kaiisip.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …