Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abaya no show

Jun AbayaHindi sumipot si DoTC Secretary Jun Abaya sa pagdinig ng House Transportation Committee kaugnay sa ipinatupad na dagdag-pasahe sa MRT at LRT nitong Enero 4.

Sa pag-arangkada ng pagdinig, inabangan ng mga kongresista ang pagdalo ni Abaya na siya sanang dedepensa sa desisyon ng kagawaran.

Sinabi ni DoTC Usec. Jose Lotilla, may mahahalagang meeting si Abaya na kailangang daluhan na nasabay sa pagdinig ng Kongreso.

Agad itong inalmahan ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa pagsasabing maaari namang dumalo si Abaya sa mga naturang pulong sa mga nakalipas na araw dahil matagal nang naka-iskedyul ang pagdinig sa dagdag-pasahe sa MRT-LRT.

Habang ayon kay Rep. Lito Atienza ng Buhay party-list, ang kalihim ang pumirma sa dokumentong nag-apruba sa fare hike kaya dapat humarap sa pagdinig at ipresenta ang concession agreement.

Giit ng ilang mambabatas, kung nakapaglaan ng panahon si Abaya sa mga media interview para idepensa ang fare hike, dapat may oras din siya na dumalo sa pagdinig.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …