Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edsa Woolworth ni Pokwang, sobrang bumenta-abroad

00 fact sheet reggeeNASULAT namin dito sa Hataw noong nasa Amerika kami noong Disyembre na kumita ang Edsa Woolworth base sa sinabi ng kausap naming si Rudy Vitug na producer ng show sa nasabing bansa.

Inabot daw ng tatlong linggong showing ang Edsa Woolworth kompara sa ibang Filipino movies na isang linggo lang at binanggit nga sa amin ni Rudy kung ano-ano ang mga pelikulang ito na hindi na namin babanggitin.

Sobrang nakare-relate raw ang mga kababayan nating Pinoy sa kuwento ng Edsa Woolworth na ipinalabas noong Nobyembre, 2014 sa nasabing bansa.

Inamin naman ng direktor na si John D. Lazatin na maganda nga raw ang feedback ng mga tao sa Amerika dahil realidad ang kuwento at higit sa lahat, kilala nila ang bidang siPokwang.

“Tanggap na tanggap nila (Kano) at I’m so happy for positive reviews,” sabi sa amin ng direktor.

Ikalawang pelikula na ito ni Pokwang na The Filipino Channel o TFC ang nag-produced at si direk John-D din ang direktor na may titulong A Mother’s Story.

Kaya sabi namin kay direk John-D na paborito niya si Pokwang na hindi rin naman niya itinanggi.

“Paborito ko ba? Parang ganoon. I already pitch for other stars also, kaso schedules ang problema hindi mag-swak, pero kung gugustuhin ‘di ba, nagagawan ng paraan.

010915 pokwang

“Si Pokwang nagagawan niya ng paraan, actually tatawagan ko lang, ‘Mars (tawagan nila ni Pokie), may ipi-pitch ako sa ‘yo, type mo ba? Tapos ang sagot niya, ‘direk, tara!’ Ganoon kaagad ang sagot.

“”Tapos ipapa-block off niya ng isang buwan, so ibinibigay talaga, kaya sasabihin mong favorite ko ba siya? Oo kasi madaling kausap,” kuwento ni direk John.

Sa San Francisco, USA raw ang entire filming ng pelikula at inamin din na medyo mahal dahil marami raw inilipad na crews sa Amerika tulad ng scriptwriter at cinematographer nila na si Shayne Sarte, inasikaso ang mga visa, at lahat daw ng lugar ay may permit ng legal.

Samantala, naikuwento ni direk John-D na sa unang shooting ng Edsa Woolworth ay pinapapa-pack-up raw ito ng komedyana dahil nga dinadaga raw siya.

“Sabi niya, direk hindi ko kaya ito (script) kasi magmo-monologue siya in English, hindi raw siya sanay sabi ko, kaya mo ‘yan, aalalayan kita at nangyari nga.

“Tapos dumating na rin ang leading man niya, si Lee O’Brian at pinagharap ko talaga, nag-workshop sila kasi gusto kong makita how they get along with each other at mukhang okay naman sila,” pambubuking ni direk John-D.

Isa sa pangarap idirek ni John-D ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil,”ang ganda ng chemistry, alam mo ‘yung ang dami mo ng nakitang artista, iba sila, I’d like to work with them.”

Sina DJ at Kath ang bida sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan noon ninaKristine Hermosa at Jericho Rosales kaya tinanong namin kung malalampasan ng dalawang bagets ang record ng orihinal na Yna Macaspac at Angelo Buenavista.

“Malalampasan ba nila? I think they’ll give it a fresh team, mas takam ang mga tao ngayon sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ kasi sikat na sila (DJ at Kath).

“They’re entering the soap opera bilang sikat na sikat, so I think ‘Pangako Sa ‘Yo’ plus their kasikatan, combined, so definitely malalampasan talaga, unlike sina Echo at Kristine, roon palang sila nakilala,” pahayag ni direk John-D.

Mapapanood na ang Edsa Woolworth sa Enero 14 kasama sina Ricci Chan, Prince Saruhan, Stephen Sphn, Princess Ryan, Lee O’Brian, at Lee Robin Salazar mula saStar Cinema at TFC.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …